Stubborn Princess (part 2)

3.5K 112 2
                                    


Nagluto ng sinigang na buto-buto si Zeig para sa kanyang pananghalian, baha pa rin ang kanyang unit pero hindi na masyado. May maintainance team naman na matatawag para maglinis ng condo ni Zeig pero mas pinili ng binata na huwag ipagawa iyon sa maintenance.

Kanina nang magkausap sila ni Don Antonio sa telepono upang ipaalam sa Don na umuwi si Xein sa bahay nila at pahapyaw na ikinuwento ni Zeig ang disaster na dulot nang nasunog na kaserola ay naka-buo nang plano sina Zeig at Don Antonio na umpisahan na ng binatang Hernalde ang pagtuturo sa kanyang prinsesa at ang unang lesson nito ay ang maglinis ng bahay.

Ngiting-ngiti si Zeig sa idea ni Don Antonio, it's not Zeig's plan na parusahan ang prinsesa ng mga Hernalde, pero sa ginawa nito sa kanyang unit ay dapat lang na makabawi sya sa dalaga.

Nang maisip ang nakatalikod na hubad na katawan ni Xein ay naisip ng binatang si Zeig na lubos nang kabayaran iyon ng dalaga. But a deal is a deal, usapan na tuturuan nya si Xein at iyon ang kanyang gagawin.

Mahihirapan tyak ang dalaga pero mas mahirap para sa kanya ang pangakong binitiwan kay Don Antonio. 'Para sa pangalan ng Papa,' sabi pa ng isip ni Zeig. Titiisin nya ang kamalditahan ni Xein, kakayanin nya ang lahat nang katarayan nito at ang katigasan nito nang ulo. At higit sa lahat gagamitan nya ito ng kamay na bakal. Iyon ang order ni Don Antonio.

Kumakain si Zeig sa maliit na built-in dining table nang bumukas ang pinto at iluwa nito si Xein, umirap muna ang dalaga bago isinarado ang pinto habang si Zeig naman ay patuloy lang sa pag-subo ng kanin at sinigang na buto-buto.

Iginala ni Xein ang kanyang mga mata sa kabuuan ng unit, kunot ang noo nyang nagtanong kay Zeig, "asan ang maintenance?"

Nilulon muna ni Zeig ang kinakain bago sumagot, "walang maintenance." Bahagya pang tumikhim si Zeig at pagkatapos ay muling sumubo ng kanyang pagkain.

Umirap lang ulit si Xein at dire-diretso nang pumasok sa kanyang silid, ngingiti-ngiti naman si Zeig, binilisan nya ang pagkain ng tanghalian pagkatapos ay kinatok si Xein sa kanyang silid.

Bumalatay ang pagtataka sa mukha ng prinsesa ni Don Antonio nang iabot sa kanya ni Zeig ang mga gamit sa paglilinis pagkatapos nyang buksan ang pinto ng kanyang silid.

"It's time for you to clean up Miss. Muscle." Nang-aasar na sabi ni Zeig sa dalaga na inihambing pa nya ito sa bathroom and toilet cleaner na Mr. Muscle.

"Clean up...what?" kunot-noong tanong ni Xein.

"Huwag nang maarte, simulan mo nang maglinis at humahapon na." sagot naman ni Zeig sabay lagay ng basahan sa kamay ng dalaga. "Unahin mong tuyuin yung couch para makaupo ako." Kumindat pa si Zeig kay Xein kasama ng isang sutil na ngiti.

Kokontra pa sana si Xein pero binigyan sya nang warning look ni Zeig at tinakot pa sya nito na nasa speed dial ng cellphone nito ang number ng kanyang Papa. Na kung hindi sya susunod ay tatawag si Zeig sa kanyang Papa para isumbong sya rito.

'Mc.Kunackot,' sabi ng isip ni Xein, nagdadabog na pinunasan ng dalaga ang basang couch. Nang lumipat si Xein sa isang single chair na kaparehas ng couch ay inawat sya ni Zeig.

"Hep-hep! Basa pa oh." Pinaraanan ng hintuturo ni Zeig ang ibabaw ng couch sabay pakita kay Xein nang basa nyang hintuturo.

"E hindi naman matutuyo yan nang tuyong-tuyo eh," reklamo ni Xein sabay padyak ng isa nyang paa.

"Ano bang hindi eh water proof yan!" parang isang tatay na nag-uutos at nagagalit si Zeig sa dalagang anak.

"Eh, hindi ko naman alam ang gagawin na pagpapatuyo nitong couch na ito." Reklamo ulit ni Xein, "bakit ba kasi hindi ka na lang tumawag nang maglilinis, hindi ba kasama sa association dues at condo fees yun?"

"Why would I do that kung andito ka naman," nakangising sagot ni Zeig. "Isa pa, part nang training mo ito and do I have to remind you na ikaw ang salarin kung bakit ganito ang itsura ng condo ko?" pinanlakihan pa ng mga mata ni Zeig ang dalaga. "Huwag nang mareklamo! Linis na, eto tuyuin mong mabuti." Utos ni Zeig sa dalaga sabay pasada ng hintutro nya sa couch.

Nagmamaktol na sumunod si Xein at inumpasahan na ang paglilinis kahit wala naman syang idea kung paano ba ang maglinis, wala syang choice kundi ang sumunod kesa naman maging Mrs Mc.Kunackot sya. Hindi man sigurado ang dalaga kung pananakot lang ba ng kanyang Papa ang anak ni Manong Mc.Kunackot pero papano nga kung totohanin ng ama nya yun. 'Ewww!' sabi ng isip ni Xein sabay nang pag-ngiwi ng kanyang mukha.

Nakaupo naman si Zeig sa natuyo ng couch at pinagmamasdan si Xein habang nililimas nito ang flooring gamit ang basahan at timba. Gusto nyang matawa sa paraan nang pagpilipit nito sa basahan. Lumaki din sila ng kapatid nyang si Zienna nang may mga katulong pero tinuruan sila nang kanilang Mama ng mga gawaing bahay.

Hindi naman kasi talagang mayaman ang kanyang Mama na si Donya Patricia naging Donya lamang ito nang makasal kay Don Gerardo Hernalde. Isinama ito nang isang kaibigan sa pagtitipong dinaluhan ng ama ni Zeig at duon nga nagkakilala ang kanyang mga magulang and the rest is history.

Katwiran nang kanilang Mama, mabuti na raw yung may alam sila sa gawaing bahay lalo na si Zienna dahil babae ito. Isa pa ay sa America sila nag-kolehiyong magkapatid, walang katulong sa America kaya sanay silang magkapatid sa halos lahat nang gawaing bahay.

"Anong ini-ngingiwi-ngiwi mo dyan?" kunot-noong tanong ni Zeig kay Xein.

"Pakialam mo ba!" mataray na sagot naman ng dalaga.

Kinuha ni Zeig and remote ng TV at binuksan iyon, mabuti na lamang at may mga division ang divider na pinagpapatungan ni Zeig ng kanyang flat screen. Hindi nabasa ito pati na rin ang kanyang DVD player at ang kanyang home theater.

World war Z ang palabas sa HBO, hindi na inilipat pa ni Zeig ang channel, una ay paborito nyang artista si Bratt Pitt, pangalawa ay gusto nya ang mga zombie/apocalypse genre. Hindi pa nya napanuod ang pelikulang World War Z dahil busy sya sa pagtulong sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya, isa pa ay wala sa mga 'not-so-serious nyang kinakalantare o dates' ang gustong manuod ng mga zombie films.

Engrossed na si Zeig sa kanyang pinapanuod; ang eksena ay nasa loob na nang lab si Brad Pitt kung saan ay hinahabol sya ng mga zombies. Nang nasa eksenang hinihila ni Brad Pitt ang nakabaong bareta sa napatay nyang zombie at hindi ito maalis habang may isa pang zombie na papalapit kay Brad Pitt ay humiyaw si Xein ng 'AYAAAN NAAA! AAYYY!' itinakip pa ni Xein ang hawak na basahan sa kanyang mukha.

Nagulat naman si Xeig sa hiyaw ni Xein, nang tingnan ng binata kung ano na ang nalinis ni Xein ay dismayado sya dahil mukhang wala pang nagagawa ito.

"Are you watching this?" kunot-noong tanong ni Zeig sabay turo sa flat screen.

"Pakialam mo ba," umirap ulit si Xein pagkatapos ay sumenyas ng "Shhhh" habang nakatutok ulit ang mata sa pelikula ni Brad Pitt. Nakaluhod si Xein at kunwari ay nagpupunas ito ng flooring pero hindi ito umaalis sa kanyang lugar, needless to say walang nalilinis si Xein at kasalanan iyon ni Brad Pitt.

Inis na ini-oof ni Zeig ang TV, kokontra sana si Xein pero mabilis syang inawat ni Zeig, "maglinis ka na, magluluto ka pa nang hapunan." Sabi ng binata sabay tayo sa couch para kumuha ng malamig na beer.

Bumuka ang bibig ni Xein para kumontra pero hindi na lang nya itinuloy, masama ang loob na ipinagpatuloy nya ang paglalampaso. Ngingiti-ngiti naman ulit si Zeig, knowing that he and Xein have the same interest to what kind of movie genre they enjoy to watch brings excitement with him.

'At least there is one thing we have in common.' Sabi ng isip ni Zeig, nilagok nya ang mapait na likido ng ice cold beer habang nakatitig sa naglalampasong si Xein.

Nang bigla na lang iluwa ng main door ang kapatid ni Zeig na si Zienna kasama ang kanilang Mama. Tulala si Donya Paticia sa nakitang ayos ng condo ng anak na binata pero mas n-shock ang Donya sa ayos ni Xein, basang-basa ang suot nitong maong na short at putting v-neck na t-shirt. Hawak nito ang basahan at hirap na hirap itong palipitan iyon.

"Kuya anong ginagawa mo sa kinakapatid ko?" galit na sabi ni Zienna sa kanyang Kuya.


Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now