The One A Spaghetti Can't Deny

Magsimula sa umpisa
                                    

Napangiti siya.

"Isa pa nga," pakiusap niya.

"Na alin?"

"That tap on the arm thing," habang tinuro niya ang braso niya na napansin kong nag-flex.

"Bakit tumitigas yan?" tanong ko.

Ni-relax niya.

Natawa ako.

"Bakit ba kasi, tinapik lang, pinapaulit pa."

"Because that's a first," sabi niya. "Your hand, your touch, on my skin."

Anong pinagsasabi nito? At ngumingiti pa na parang namimilit. Kaya iyun. Tinapik ko na lang ulit.

Nagtawanan kami.

Inulit ko pa ang pagtapik sa kanya. Paulit-ulit at pabilis nang pabilis. Lalong gumanda ang ngiti ni Gabriel. Hanggang sa nakatitig na lang siya sa akin at nakangiti. At sa huling tapik ko sa kanya, sinalo niya ang kamay ko. At hinalikan.

Nakangiti pa rin siya at ako ay nakatitig lang. 

Nawala ang ngiti ko, pero alam kong kitang-kita sa mga mata ko na gusto ko ang ginawa niya.

Tumunog ang oven. Thank you oven. Mas awkward pa ito sa pagkapahiya ni Gabriel kanina.

Binawi ko ang kamay ko. Napansin kong iba na ito. Hindi na ito bahagi ng usual na ilog na alam ko. Magpapaanod pa ba ako?

"Walang lasa 'yan," sabi ko. "Nandun yung spaghetti, kung gutom ka na."

"It's maalat kaya."

Natawa na naman siya.

Napangiti na lang ako. Yung ngiting dapat akong ngumiti kasi ayoko siyang mapahiya. Ang totoo, napapaisip na naman ako. Bakit niya hinalikan ang kamay ko?

Sa salas na ako dumretso dala ang bowl ng pasta at ang sauce na nakahiwalay. Binuksan ko ang TV. Teleserye na ang mga palabas. Tapos na ang balita. Nakasunod sa akin si Gabriel na may dalang dalawang pinggan, mga kubyertos at dalawang baso. Isinunod niya ang isang bote ng tubig. 

Bago siya umupo ay pinatay niya ang TV.

"Bakit?" tanong ko.

Tinuro niya ang TV na nasa harapan namin. 

"Let's just watch us," sabi niya.

Inilabas niya ang kanyang laptop at pinatugtog ang playlist niya. Parang lumang album ni Nina ang mga kanta, yung mga ni-revive na love songs. Yung live na kinanta sa rooftop ng isang building. 

Anung kalokohan ito?

"O diba," ngumiti si Gabriel. "Look at you and me. That is us, in our own teleserye."

"Ano?" nagulat ako. 

Hindi ko talaga naiintindihan. Saan ito papunta? Anung pinagsasabi niya?

Nilagyan niya ng pasta ang mga pinggan namin. Sinunod niya ang sauce. Hinalo muna niya ang spaghetti ko, tapos yung sa kanya. Pinapanood ko lang siya habang hinihintay ang sagot sa tanong kong "ano?"

"Narinig mo naman, right?" sabi ni Gabriel.

Nagpapaka-cool siya. Parang normal na usapan lang ang ginagawa niya. Pero ako, nababaliw na ako sa paandar niya. Siya nga ang unang kong kaibigan. Pero sa mga napapanood ko sa TV, sa mga nababasa ko sa libro, hindi ganito ang konsepto ng friendship. 

Pero dapat sabayan ko lang ang cool vibes niya. 

Pinanood ko siya. Alam ko kasing habang ginagawa niya ang mga ginagawa niya ay nakikiramdam siya sa mga ginagawa ko. 

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon