This is her way para kaawan siya ng mga magulang.

yung tipong lumuluhod siya para sa sariling kaligayahan.

Pathetic.

Huminto kami sa isang mall sa Pasay. Dumiretso kami sa isang Clinic kung san nirefer kami ng Doktor na tumitingin sa kalagayan ni Tricia.

Walang masyadong tao dahil masyado pang maaga. 

at heto pa rin ako, magkahawak ang kamay namin ni tricia habang binabaktas namin ang daan papunta ng mall.

Wala akong imik, ang gusto ko lang ay matapos na ito at makauwi na ako sakin asawa.

Damn it..

Siya na dapat ang sinasamahan ko ngayon sa kanyang check up.

What worst is baka naghihintay na ito.

Halos dalawang oras na akong hinihintay nito.

I even called my secretary na kapag maghanap siya ay sabihin may meeting ako.

Napamura ako.

I promised not to lie to her, pero nagsinungaling na naman ako.

Wala pa rin akong imik habang pumapasok kami sa loob.

Sinalubong kami ng medyo may edad ng babae.

"Mr. Veloso, kamusta po? ako nga pala si Doktora Madrigal, ako po yung tinawagan ni Doktor Mendez regards sa inyong Anak."

Sinulyapan nito kami ni tricia.

"Siya po ba?" nilinga nito ang aking katabi na mahigpit ang hawak sakin mga kamay.

"Hi tricia." binati niya ito. ngumiti lamang ang dalaga sa kanya.

"Is this your husband? ang gwapo naman." 

Hindi ko alam kong magagalit ba ako agad sa sinabi nito.

Tiningnan ako nila mama at papa.

"Yes he is, sinamahan niya ako for my Check up." Gusto kong magsalita pero umiling si papa ng makita ko.

Saying hayaan ko na lamang ito.

Nakita ko na parang nagbago ang mood ng aking katabi.

Tila napalitan ng saya kahit kanina ay galit na galit ito.

"How sweet of you, halika, may mga itatanong lang ako sayo before we go inside." iginaya nito si tricia pero hinihila ako kasama niya.

"Tricia bitawan mo na ako." reklamo ko, pero tila hindi niya ako narinig.

"Pwede ba akong samahan ng aking asawa sa loob."

Patient Cyrus. pagtiisan mo lang ang babaeng to.

"Of course, mas magandang magkasama kayo para makita niyo pareho ang inyong mga anak." walang kaalam alam ito sa tunay na sitwasyon namin ni tricia.

Tricia grinned. masayang masaya ito dahil sa mga sinasabi niya sa doktora.

Lumabas ang nasa mid 30 na babae, nakasuot din ito ng katulad kay Doktora Madrigal. pero halata ko na parang malungkot ang mukha nito.

Lumapit ito sa kasamahang doktor at nagkwento.

"Oh bakit parang naiiyak ka dyan." ani ng kaharap na doktora.

Naiiling naman ito tila nagpipigil ng luha.

"Wala, naawa lang kasi ako don sa batang babaeng mag-isa na nagpacheck up. Ni hindi man lang sinamahan ng magaling na asawa samantalang maselan ang kondisyon niya." 

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon