CHAPTER 33

2.2K 65 7
                                    

Mhea's POV

Maaga kaming umalis. Lahat naisakay na sa barko. Halos lahat din ng mga tauhan ay kasama pero nag-iwan pa ako ng magbabantay sa mga ari-arian namin dito sa Japan.

Nasa byahe kami di ko magawang mag-enjoy, pagod ako at madaming iniisip. Nakaupo lang ako minsan sa labas at hihiga, matutulog naman kadalasan. Si Martian ang nagbabantay sa kambal, hinayaan ko na lang para naman makapagpahinga ako at para din maramdaman ng kambal ang magkaroon ng ama.

Iniisip ko ang mga posibleng mangyari at mga imposible na gusto kong mangyari. Tulad na lang ng mapagtagumpayan ko ang mga plano ko sa madaling paraan. Maubos ko sila sa mas magandang paraan. Pero meron sa side kong natatakot ako, natatakot ako dahil sa mga ipekto nito, lalo na sa mga anak ko. Paano kung malaman nilang nakapatay na ang nanay nila? Paano kung malaman nilang pinatay ng nanay nila ang tatay nila?

-------FAST FORWARD~~~

"Ramdam ko ang sincerity ni Martian, sweet pa siya sa mga anak niya. Perpect father and husband!" bungad sakin ni Rhea.

Pababa na kami ng barko kasi narating namin ng safe ang Pilipinas, halos isang araw nga ang byahe o higit pa.

"Di ba sweet si Martian?"

Napatingin naman ako sa kanya, anong sweet sa kanya. Pero pansin ko at kita ko ang mga pinapakita niya sakin at naiiba yun sa mga kilos niya dati. Totoo na lang, totoo ang saya pati ang sakit at lungkot.

"Uy napaisip ang bakla," nagulat naman ako sinabi Rhea kaya napalo siya.

"Nakakainis," asik ko.

"Pero alam mo, naaawa ako sa kanya," napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Dapat bang pagkaawaan yun," sabi ko naman.

"Aba,  Oo! Bitter nito, kasi naman tignan at pansinin mo si Martian, iba na sa kwento mo noon." Depensa niya.

"Wag kang maniwala dun," sabi ko.

Pasakay na kami sa limousin. Kami ni Rhea at ang kambal ang nandun. Umandar din agad pagkasakay ng lahat. Kwentuhan pa din kami.

"Alam mo gaganyan -ganyan ka siguro may feelings ka pa, ay oo nga pala meron pa," sabi niya na may pan-aasar.

"Di ko yun sinabi, ulol ka!" Medyo galit na sigaw ko na sinamaan pa siya ng tingin. Oo sinabi ko yun di na kailangang pang-sabihin ulit.

"Hmmmh," pan-aasar niya pa. "Ang tao kapag nagmamahal mas pinipili ang mali dahil kapag ang tama ang pinili niya baka pareho kayong mapahamak, pero si Martian pinili niya ang tama kesa sa mali, pinili niyang hanapin ka kahit na pwede siyang mapahamak." Sabi niya, napaikot naman ang itim sa mata ko.

"Eh ano bang tama sa simula, ang ako ang magbayad sa sakit na naramdaman niya dahil sa nawala ang girlfriend niya?!" Naiinis na sabi ko.

"Dahil lang naman sa galit kaya nagawa niya yun," sabi niya pa. "Isipin mo nga yung sakit na naramdaman niya, yung hirap. At isipin mo yung mararamdaman mo kapag nakita mong nawawala na pala siya sayo," sabi niya sakin na may pangaral.

Wala akong naintindihan, wala. Ayaw kong maintindihan dahil natatakot ako kapag nalaman ako ang totoo. Ayaw ko, ayaw ko na ng mahirapan. Tama na.

"Imposibleng bumalik pa sa lahat, ayaw ko na," matigas na sabi ko, pinigilan ko ang luha dahil ayaw ko ng umiyak. "Ayaw ko ng bumalik sa dati lahat, nahihirapan na ako na baka kapag nandun na naman ako sa puntong yun mawala na naman ang lahat sakin." Lumandas ang mga luha sa mga mata ko at dumaloy sa pisngi ko. Pinunasan ko agad dahil napakahina ko dun.

Masakit isipin lahat, mahirap harapin lahat pero kapag natapos mo lahat ng pagsubok may sarap at ginhawa ka ng matitikman.

Papatayin ko ba si Martian o hindi? Bubuhayin ko ba siya para sakin at mga anak ko o hindi. Di ko alam. Di ko alam.

--to be continued-

Vomments manigass!!

#TIGASANKA?

LOVELOTS!

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon