_

masayang nagpaparty ang mga kabataan sa buong mansion, may mga clowns kasi kaming kinuha kaya bising bisi ang lahat. mga anak ng employee namin sa kumpanya ang iba, anak ng black team, team mates namin ni ice sa basketball at archery nuon sa EU. Invited silang lahat ngayon. yung iba ay anak ng mga relatives namin parehong mag asawa, idagdag pa ang mga anak nila engel at shirley, anak ni dude at jorge na mga super cute din!!! :)

"ang saya ng lahat ano? sana.. wala ng problemang dumating" sabi ni dude habang nakatingin sa buong paligid. nasa isang table kami ngayon nila dude, maimai at shirley. busy ang black team at team mates ko sa archery sa mga anak nila ngayon.

kain dito, laro duon..

ang saya nga. nakita ko din ang sarili kong parents na kasama ang parents ng asawa ko habang nilalaro nila ang one and only apo nila.. ^__^

parang wala nakong mahihiling sa mga sandaling ito kundi ang maging masaya nalang ang lahat habang buhay..

"yeah.. your right. sana nga wala ng dumating na problema saating lahat" nakangiting sabi naman ni maimai.

pero may pait sa mga ngiti nya. napatingin  ako sa direksyon ng tinitignan nya.

sa pwesto ng mga boys kung saan nakaupo sa isang table sina engel, ang asawa ko, si jorge at macky.

napangiti ako.. asus. kasi naman alam ko namang matagal na nyang gusto si macky. pero ang hindi ko maintindihan, bakit hanggang ngayon, hindi man lang nagiging sila. maganda naman si maimai, mabait at mayaman din naman..

haays, hindi ko na alam kung ano pa bang gusto ni macky sa isang babae.

"may pinagdadaanan ka mai? well, i guess na alam mo na kung anong pinagmimitingan nila ngayon." sabi ni shirley. napatingin si maimai sa kanya. kahit ako hindi ko rin gets ang sinabi nya.

"whats happening?" takang tanong ko. pero mukhang si dude, alam na din ang ibig sabihin ni shirley. wala syang reaksyon eh.. mukhang kami nalang ni maimai ang walang alam..

"ano ba yun?" tanong ni mamai..

"well, mukhang hindi na nya nagawang magpaalam sayo.." ani shirley sabay tingin sa pwesto nila engel kanina pero....

wala na agad sila dun! pero kanina lang....

"nasan na sila?? diba nandun lang sila kanina?" takang tanong ni maimai sabay tayo sa upuan nya.

napatayo na din ako habang ginagala ang paningin ko sa paligid. maya maya, biglang nagring ang phone ko. napatingin silang lahat.

ang asawa ko.

mabilis kong sinagot ito.

"hello, nasan kayo?" bungad ko agad sa kabilang linya.

[Wife were on our way to airport. ill explain it later. sandali lang to, babalik ako agad.] he said..

"wait! anong ginagawa nyo dyan? bakit kayo pupunta dyan?" tanong ko sa kanya.

[Its macky. aalis sya ng bansa. biglaan lang.. basta sabihin ko sayo mamaya okay? bye.. i love you..] he said at tinapos na ang tawag.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now