~ fourteen ♡ Kick-out?? ♡

2.3K 66 0
                                    

This chapter is dedicated to rexellyn47
Falling By: Park jin young Play the video above 🔝

//

~ Stacy

"Hindi nyo ba alam na pinakabawal ang nag aaway dito sa EU?? Ano yung gulong ginawa nyo??? Salitaan sana pwede pa. But the physical action???? What do you think??? Palalampasin ko ito? Napunta sa clinic ang tatlong studyante dahil sa inyo???!" Galit na sabi samin ng Guidance Officer.

Wow. Just wow...

Kami pa ngayon?? Kanina pa sila ganyan. Napipikon nako sa kanila. Kami ang dinidiin ngayon?? Bwisit.

"Mawalang galang na po Ma'am, pero may mga sugat din po ang kasama ko. Ni hindi nyo nga po sya pinapadala sa clinic para man lang malagyan ng first aid ang mga sugat nya. Sya po ang pinag tulungan. Ilang beses ko po kailangan ipaliwanag? Kanina pa po ako nag e explain sa inyo pero hindi nyo po hinihingi ang statement ko-----"

"Hindi ko na kailangang marinig pa dahil sa EU, kung ano ang nakita, yun ang paniniwalaan. Nakita namin na pinagtutulungan nyo ang tatlong studyante. Malinaw na malinaw yun at ni walang umaayon na witness sa inyo.
Wag ka ng magmatigas pa. Isa ka lang nerd pero matapang ka?? Well wala ng hahantungan ang tapang mo coz i will kick you out of this school-----"

"Kick me out?? For what reason?? Nakita nyong pinagtutulungan ng Dalawa ang Tatlong studyante?? Sino po ang maniniwala? Kinder??? Nagiging bias po kayo madam officer. Base sa mga salita nyo, nasa iisang panig lang kayo. At sa pagkakaalam ko po, hindi po pwedeng isang side lang ang nandito sa harapan nyo. Hinahamon ko po kayong iharap nyo samin ang tatlong students nyo bago kayo magdesisyon. Ngayon kung balak nyo pong i kick-out kami sa university nato, kahit ayoko ng mag aral dito, ipaglalaban pa din namin ang rights namin bilang students na malaki ang binabayad sa school nato." Sabi ko sa kanya habang madiin na nakatingin ako sa mga mata nya. Ramdam ng lahat ang tensyon na bumabalot sa loob ng Guidance office. Kita ko ang pagkabahala sa mukha ng Guidance Officer.

"Hoy, ang kapal naman ng mukha mo para sagutin ang nakatataas sayo! Wala kang modo! Humingi ka ng paumanhin at tanggapin ang desisyon namin dito sa----"

"Tama na yan! Anong meron dito??" Nagulat kami sa biglang dumating na magandang babae. Napakaganda nya at mukha syang mataray. Sa palagay ko ay nasa thirties na sya pero napakaganda nya pa din. Isang dyosa ika nga. Parang si mommy lang. Napatayo at nakayuko ang lahat at halatang natatakot sila sa bagong dating. Natameme ang Guidance officer at maging ang mga guidance councilors na kanina ay nagtatapang tapangan ay parang naging isang maamong tupa na ngayon.

"What happened??? I heard na meron daw hindi magandang nangyayari dito??? Who are these students????'' Nakapameywang nyang tanong habang papalapit samin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba.

"A-aaahhmmm sila po ang mga student's na nanggulo at nangbugbog sa mga varsity  player na ngayon ay nasa clinic na po madam Edmonds" nakayukong sabi ni GO sa sa babaeng maganda. But wait...

Loading.......

Loading.......

Madam Edmonds daw????

O____O

I----ibig s-sabihin, ang kaharap namin ngayon ay syang may ari ng EU?????? Ang mama ni monster???? Kaya pala parang medyo pamilyar ang mukha nya yun pala medyo hawig sila!!!!

OMG!

"Totoo ba ito??? Gaano kagrabe ang injuries sa varsity player na yun??" Tanong nya. Tahimik lang ang lahat maging kami ni maimai hindi sumasagot.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now