~ 65 ♡ Jealous?? ♡

1.7K 34 0
                                    


//

~ Stacy

"Ano ba? Hindi ka pa din ba papasok?? Magpapakaburo ka nalang dyan? Kung kailan matatapos na ang pasukan at ga-graduate na tayo ngayon kapa magiging ganyan?! Stacy naman! Don't be like that! Akala ko ba magiging matapang ka??! Akala ko ba kakayanin mo to?? Dude wake up! Wag kang magpadala sa problema!!! Isipin mo din ang sarili mo!" Sigaw ni dude sakin habang nasa harapan sya ng kama ko.

Two days na kasi akong hindi nakakapasok simula ng mangyari ang araw na yun, na makita kong may babae si monster. Wala akong gana sa lahat. Matulog, kumain, mag aral.

Kung may sakit lang sya at hindi nya ako matandaan, okay lang yun. Pero ang mang babae sya sa harapan ko mismo? Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makitang swe89et sya sa iba, nakayakap at nakaakbay sya sa ibang babae habang ako, hindi nya maalala kung ano ako sa buhay nya. Habang ako, nakatingin lang sa kanila, habang nasasaktan ako sa mga ginagawa nya.

Di ko namalayan na umiiyak na naman pala ako.

"Dude naman! Hihiga ka nalang ba dyan? Magmumukmok? Iiyak? Dude isipin mo nalang yung sarili mo.. pati sakin! Maawa ka naman sakin dude buntis ako! Nag aalala ako sayo!" Sigaw nya sakin at pagkatapos nun, nakarinig nalang ako ng malakas na kalabog ng pinto.

Napalingon ako sa likod ko. Wala na sya. Dahan dahan akong umupo sa kama ko. Parang bigla akong nagising.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.

Maya maya lang, nagring ang cellphone ko.

Nang makita kong si mommy pala ang caller mabilis ko itong sinagot.

[Anak, be brave. Be strong. Katulad ng kung paano ako naging matapang nuong nagkaproblema din kami ng dad mo nuon.. We love you anak, so much. Magiging maayos din ang lahat. Magpakatatag ka lang. Isipin mo nalang, nagpunta sa ibang lugar si ICE. Kaya mo yan anak. Alam kong kaya mo. I love you baby ko.. nandito lang si mommy para sayo. I miss you..]

Toot..toooot..

Kusa nalang ulit tumulo ang mga luha ko. Pero agad ko din pinunasan at kusa nalang din ako napangiti. Hindi ako dapat sumuko. May sakit si monster, at kailangan ko syang intindihin sa lahat ng ginagawa nya. Isa pa, maraming nagmamahal sakin na hindi ko dapat pag alalahanin.

Tumayo ako at kumilos na.

Papasok ako. Kaya ko to. Fighting!!!

. . . . . . .

..EU..

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng classroom namin. Late nako sa first subject namin kaya sa second subject nako papasok. Alam kong magugulat sina engel at maimai. Kahit si dude, hindi nya alam na pumasok ako ngayon.

Halos mag tinginan ang iba sakin pagpasok ko. Nakita ko agad si maimai na napatayo pa sa upuan nya. At si engel habang nakangiti sakin ng sobrang lapad.

"Good girl" sabi ni engel sabay tap sa balikat ko pag upo ko sa pwesto ko.

"Yes." Nakangiting sabi ko. Kailangan kong maging matapang. Napatingin ako kay shirley. She's staring at me sabay irap kunwari. Tss.. if i know, awang awa na sya sakin ngayon.

"Frienship.." nakangiting sabi naman ni maimai sakin. Ngumiti ako sa kanya.

"Don't worry. I'm okay now.." sabi ko sa kanya.

"Pupuntahan na dapat kita mamaya eh.. friendship be brave okay? Kaya mo yan. Magiging okay din ang lahat" sabi nya habang nakahawak sa kamay ko.

"Thanks." I said to her smiling.

Kawawa naman sya noh?

Oo nga.. Naaawa ako sa kanya.. Hindi man lang sya natatandaan ni papa Ian..

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now