~ twenty seven ♡ Talk To My NASA (night and shinning armor) ♡

2.1K 45 0
                                    

//

~ Engebert

Nakauwi na kami sa pinas ni daddy. Kaninang madaling araw kami nakauwi sa mansion. Hindi ako dumiretso sa condo dahil balak ko ding i-surprise si stacy mamaya sa school. :)

Kasalukuyan akong nag da-drive ng kotse ko papasok sa EU. Sigurado akong magugulat sina Ice, jorge at macky. Ang alam nila ay na extend pa ang business trip namin pero sabi ko lang yun.

-

"Hey bro's! Whats up every body!" Sabi ko pagpasok ko sa tambayan. Nagbibihis silang tatlo ng jersey namin. Napatigil sila sa ginagawa nila. Pwera lang si Ice na ngumisi lang sakin. Kilala kasi ako nyan. Naramdaman nya sigurong ngayon talaga ang uwi ko.

Itsura ng dalawa?

O______________O -macky

()______________() -jorge

"Oh com'on guys! Tinatanong ko kayo! Galaw galaw!" Tatawa tawa kong sabi sa dalawa na nakatulala lang sakin. Tinabihan ko lang si Ice na cool na cool na nakaupo na sa couch.

"Kamusta bro?" Sabi ko kay Ice sabay kindat.

"Tss" iritang sabi lang ng loko. Tss if i know. Miss ako ng gagong yan ayaw lang pahalata. ^_^

"Woooooah!!!! Bakit nandito kana!!!"

"Damn! Sabi mo hindi kapa uuwi???!!!!"

"Ahhh! Aahh!! Aww! Fuck!!! Damn!!! Ang sakit ah! Aray!" Sigaw ko dahil yung dalawang gago pinag hahampas ako ng mga unan.

"Eh ikaw kasi eh!" -macky

"Oo nga! Welcome party namin sayo!!" -jorge

"Wow. Ang sarap naman ng welcome party nyo!" Nakangiwing sabi ko sa kanila. Mga loko loko talaga.

"Stop it. Mamayang gabi na ang party. Ikaw. Ang dami mong nasayang na practice, lets go. Para maaga tayo matapos" si Ice. Este si captain pala. --__--

"Wow. ganda talaga ng welcome sakin! May bugbog na, may agarang practice pa! Woooh! Ang saya!" Nagrereklamo kunwari kong sabi.

"Bro! Bilisan mo ah! Sumundo kana! Sa gym tayo!" -jorge

Tumango nalang ako. Mga loko talaga. Iwan ba naman ako dito? Miss nga nila ako. -_-

Sumunod na yung dalawa kay Ice. Naghubad nako at isunuot ko na ang black jersey ko.

-

Naglalakad nako papunta sa pwesto nila Ice. Nakaupo pa sila sa bench. Mukhang mainit ang ulo ng captain namin. May mga kulang pa kasi. Ayaw pa naman nyan ng nale-late.

"Oops. Hindi ako late ah" biro ko kunwari kay Ice sabay ngisi.

"Tssk" yan lang sinabi nya sabay masahe ng sentido nya.

"Bakit ba kasi ang tagal nung Red na yun???! Pa importante masyado eh!" Si macky.

"Oh ayan na pala eh!" Sabi ni jorge. Napatingin kami sa bagong dating. Si red.

"Bakit ngayon ka lang??! Kanina ka pa namin hinihintay hindi tuloy kami makapag umpisa!" Sita ni jorge.

"Bakit? Na sakin ba ang bola?" Tanong nya. Sanay na kami sa ganyan nyan. Maangas at siga kaya nga hindi namin sya ganun ka close. Magaling lang sya sa basketball kaya hindi sya mabitawan ni coach.

"Gago ka talaga-----"

"Cut the crap! Let's start! Dun sa mga nalate,! 100 push-ups mamaya pagkatapos ng practice!" Sigaw ni captain. Si Ice yan eh.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now