~ 48 ♡ Unexpected Date ♡

2K 54 6
                                    

//

~ Stacy

"P-panong...-"

Wala akong masabi. Feeling ko nanigas nako sa kinatatayuan ko. Pano nya nalaman? I--i mean, narinig nya ba lahat ng sinabi ko?!!

Omaygad. No way!

Nakangiti sya ng nakakaloko sakin. Na parang nang aasar. At kung alam lang nya kung gaano nako kaasar! T_______T

Humakbang sya ng isang beses pa ulit. Sobrang lapit na namin sa isa't isa.

Dug.dug.dug..

Heto na naman ang malatambol na puso ko sa lakas ng tibok.

Nagulat nalang ako ng bigla nyang ilapit ang mukha nya sakin. As in malapit. Halos maduling nako. Laking pasalamat ko talaga sa shades ko dahil hindi nya nakikita ang mga mata ko.

Pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa.

Tinanggal nya ang shades ko.

At tumitig sa mga mata ko.

Hindi ko maibuka ang bibig ko.

Ewan. Para akong kinakabahan na ewan.

"Ulitin mo" sabi nya.

"A-ano?" Utal na tanong ko.

"Yung sinabi mo" -sya

"Hindi ko alam ang sinasabi mo" pagtataray ko sa kanya. Sa wakas nakapagsalita din ako.

"What you said earlier,.. yung gwapo, matangkad, maput-------"

"Ahhhhhhhh!!!! Stop! I didn't say anything!" Pagsisinungaling ko.

Ang init na ng mukha ko. Feeling ko din sobrang pula kona.

Nakakainis naman bakit nya kasi narinig pa yun??!

"Wag kana mag deny. Narinig ko lahat" sabi nya pa. Nang aasar talaga ang mukha nya.

Mygad.. help!

Lumayo ako ng konti.

"E-wan ko sayo!!!" Sabi ko. Tumalikod ako at akmang aalis na nang hawakan nya ang wrist ko at hatakin ako pabalik sa kanya pero this time, hindi lang malapit sa kanya.

Nagulat ako ng yakapin nya ako at ikulong sa dibdib at braso nya.

Pinilit kong kumawala nung una, pero habang tumatagal, pakiramdam ko ayoko ng umalis sa tabi nya.

Nagpaubaya nalang ako. Hinayaan kong yakapin nya ako.

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso nya mula sa pagkakatapat ng tenga ko sa may bandang puso nya.

Ang sarap sa pakiramdam. Para bang sobrang secure ng pakiramdam ko ngayon at inaamin ko..

Oo. Na miss din kita.



Maya maya lang, iniharap nya ako ulit sa kanya.

He lowered his lips down to my forehead. Yes. At kung alam nyo lang ang nararamdaman ko sa mga oras nato. Kilig at halo halong saya.

Ano ang ibig sabihin nito? Bakit sya ganito ngayon?

Nagulat pako sa sunod nyang ginawa.

Hinawakan nya ang kamay ko habang seryosong nakatingin sakin.

"Like what I've said before, Hold my hand.. and never let go." He said full of sincerity.

Wait.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin