~ eight ♡ Second time around ♡

2.6K 61 1
                                    

Dedicated to rexellyn47 lesliejave YanaJin Mixcsjam youramnesiagirl

Picture ni Stacy sa taas 🔝 Nerd/Real Stacy

//

~ Stacy

Lakad takbo ang ginagawa ko papuntang parkinglot makalayo lang sa jerk na yun. I dont understand myself kung bakit bigla nalang akong umalis kanina. Ni hindi man lang ako nag isip. At sana pala gumanti ako sa kanya sa ginawa nyang panlalait at pang iinsulto sakin. Idagdag pa ang pagsira nya sa kotse ko, at sa dalawang beses nyang pagbangga sakin. Kainis! Galit ako sa kanya talaga.

Siguro sa takot lang to.. ewan!

_

~ Condo

"Bakit ngayon ka lang? San ka galing??? Ha???! Hindi mo ba alam na gusto ko ng bumalik ng korea ngayon dahil sa kabang binigay mo sakin? Hindi kapa sumasagot sa tawag ko! Pano ko malalaman kung okay ka lang??!!"

"Sorry na dude please" paghingi ko ng tawad sa nanay ko---- este sa parang nanay ko palang si dude.

Ayun! Tama nga ako, galit na galit nga sya sakin.

"Sorry??? Aanhin ko sorry mo kung may nangyari sayong masama? Stacy naman!" Sabi nya sakin. Nanahimik na lang ako. Galit nga sya. Alam na alam ko pag sobrang galit yan tinatawag nya ko sa pangalan ko.

"Oh, binilhan kita" sabi ko nalang sa kanya. Nagulat ako ng hablutin nya agad sakin ang paper bag.

"Thanks. Wag kana mag ayos. Palitan mo nalang yang dress mo. Antayin kita within 3 minutes." Natigilan ako sa sinabi nya.

"H-ha?" Alanganing tanong ko sa kanya.

"Umaandar ang 3 minutes mo iiwanan talaga kita!" Sigaw nya kaya napatakbo ako agad sa kwarto ko dala ang isang paper bag na pinamili ko kanina.

-

~ Bar

Nandito kami ngayon sa isang bar na pang apat na beses na naming napuntahan ni lyca simula ng umuwi kami dito sa pilipinas.

"Sorry dude. Alam ko namang bored kana at namimiss mo nang mamasyal na hindi ka naka disguise. Alam kong nasasaktan at nanliliit kana sa mga panlalait at mga sinasabi nila tungkol sayo. At alam mo bang pag ginagawa nila yun lalo na at naririnig ko di mo ba alam na gustong gusto ko ng pumatay ng tao? Doble sakin ang sakit at galit pag may naririnig akong negative words about you,. Pero tinitiis ko. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil para sayo naman to. Para sa kaligtasan at katahimikan mo, nating dalawa. Kaya sana dude, tiisin mo din. Kayanin mo. Konting tiis lang." Natahimik ako sa mga sinabi nya.

"I'm sorry dude." Sabi ko.

"No, wag kang mag sorry. Mag promise ka, na hindi kana aalis na mag isa pag hindi ako kasama. Nandito lang ako dude. Kung kung naiinip ka, kung nahihirapan kana, sabihin mo sakin agad. Para saan pa na naging dude moko?"

"Uhm.. sige oo na po. Magpapaalam nako sayo at magsasabi ako kung hindi kona kaya" sabi ko sabay taas ng kopita ko sa ere. Ngumiti naman sya at tinaas din ang kopita nya.

"Para sa pagtitiis" sabi nya na ginaya ko nalang din.

"Para sa pagtitiis"

"Cheers!" We both said at tumawa kami ng tumawa na parang tanga. Magsasaya kami ngayong gabi at walang makakapigil samin.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now