~ sixteen ♡ The Girl I Want To Meet ♡

2.2K 52 0
                                    

Picture ni Mar sa taas.. Ang Boyfriend ni kat na pang limang member ng Black team 😍

Part 1

//

~ ICE

Umupo kami sa pinaka likod ng bleachers.. medyo madami ang nanonood. Pero hindi kasing dami pag kami ang naglalaro. Tumingin ako sa black team. Napansin kong wala pa si nerd. Nag aalala na ang mga kasama nya. Pagtingin ko sa relo ko, 7:58 na. Saktong 8am ang laro. Male-late pa yata sya. Tss.. Kapag hindi sya dumating, baka ma default na sila.

"Patay na. Natakot na yata si nerd." Sabi ni jorge kaya napatingin ako sa kanya. Naiiling iling pa sya. Tsk.

"Pero kumpleto na ang team nila ah? May isang varsity player na sila at isang baguhan, bakit ngayon pa sya sumuko??" Sabi naman ni macky. Ang ingay talaga ng dalawang to.

"Hoy hindi baguhan yun. Isa ding varsity player yun sa korea" Pagtatanggol naman ni jorge dun sa kaibigan ni nerd.

"Just shut the fuck up!" Sabi ko para matahimik na sila. Ayan na naman kasi sila eh.

"Oh teka? Captain kinakabahan kaba? Ganyan ang itsura mo pag kinakabahan?? Diba dapat nga matuwa kapa dahil talo na sila??" Biglang sabi ni macky. Napatingin ako sa kanila. I dont know pero hindi ako naka sagot sa kanya. Sinamaan ko lang sya ng tingin at binalik ko ang tingin ko sa harap.

Wala si Englebert. Nasan kaya sya? Baka naman magkasama sila?.. tss wala akong pakealam.

"8:00 na. Talo na sila" malungkot na sabi ni jorge.

No. Darating sya. Alam kong darating sya. Hindi sya yung tipo ng babaeng nagpapatalo. Ako nga hindi inuurungan nun, yang mga babaeng yan pa kaya? Tss... Pero bakit kinakabahan yata ako ngayon? Pero bakit naman ako kakabahan? Gusto ko na nga syang mawala dito sa EU.

Tsk. Im fucking crazy..

Bakit ba kasi ako nag aalala? Wala dapat akong pakealam kung hindi man sya dumating ngayon. Isa lang syang panget na nerd.

____

~ Stacy

7:30 nako nagising! Dali dali akong naligo at nagbihis. Male-late ako! Sinuot kona agad ang black jersey na pinatahi pa namin kahapon. Hindi nako nag braid ng buhok. Hinayaan ko nalang na nakalugay ito dahil wala na talaga akong time pa! Kinuha ko sa sekretong bodega ng condo ang motorbike ko na pang emergency talaga namin ni dude. Actually meron din sya. Tag isa kami dahil sa mga ganitong pagkakataon ay magagamit namin. Ito ang ginamit ko para makaiwas sa trapik!

Binilisan ko ang pagpapatakbo sa motorbike. Hindi ako pwedeng ma-late kundi katapusan na namin, at pag nagkataon kasalanan ko pa..

Lord help me!

-

Pagdating ko ng EU ay lakad takbo ang ginawa ko para marating ang court na pag gaganapan ng basket ball game. Mabuti na nga lang at mabilis ko lang naiparada ang motorbike ko.

Pero mukhang minamalas nga yata ako..

Sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay biglang may humarang sa dinaraanan ko..

Tsk. Bakit ngaun pa?

"sumama ka samin!" sigaw ng isang lalaking nakaitim sabay hablot sakin. Sinubukan kong lumaban pero dahil lima sila ay hindi ko sila kinaya hanggang sa malayang naipaamoy sakin ng isa sa kanila ang panyo na nagbigay sakin ng kakaibang panghihina at pagkahilo..

Hanggang sa unti unting kusang sumasara ang talukap ng mga mata ko.

Jusko.. Wag ngayon..

At dumilim ang buong paligid..

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now