~ 44 ♡ Mistakes ♡

2.1K 39 0
                                    

Jorge Obeñia 🔝

//

..Flashback One Week Ago..

~ Lyca

Sobrang sakit ng ulo ko. Nang magising ako, nasa kwarto nako at pakiramdam ko uhaw na uhaw ako kaya pumunta ako agad ng kitchen.

O__o

Napatigil ako pagdaan ko sa living room. Si stacy kasi nasa couch nakahiga habang may hawak syang bimpo sa kamay tapos may basin na may lamang water na nakapatong sa glass table.

Napailing ako. Hindi naman halata na sya ang nagdala sakin sa kwarto ko at nag asikaso sa kalasingan ko.

Lumapit ako at kinuha ang bimpo sa kamay nya. Naupo ako sa gilid nya.

"Tss.. dude, bakit dito ka natulog? Pasok kana sa kwarto mo" sabi ko pero hindi pa din sya nagising. Napangiti nalang ako. Ang babaeng to talaga. Nakakatulog kahit saan. Iiling iling akong pumunta sa kwarto nya para kumuha ng kumot nya.

Pagpasok ko, nagulat ako dahil naka on pa din ang laptop nya habang nakapatong sa bed nya.

Pag lapit ko, mukha agad ni Ian, at ni shirley ang bumungad sakin.

Napailing ako.

Kailan pa naging stalker si dude?

Tsk. I knew it. Ako paba. I know her better than anyone. Alam kong nasasaktan sya..

Pag scroll ko, sa mismong profile nya, may post sya.

Stacy D. Villamore

..'There are things that we don't want to happen but have to accept, things we don't want to know but have to learn, and people we can't live without but have to let go..'

Halata ka dyan dude. Post pa more. I just sigh and closed her laptop.

Paglabas ko kinumutan ko na sya. One last time, tinignan ko sya.

"Tsk. Pareho tayo dude. Gusto natin... pero hindi pwede. Hindi man tayo pareho ng dahilan, pero halos pareho naman tayo ng sitwasyon."

Mag bestfriend nga tayo..

Kinuha ko na ang basin sa ibabaw ng table at dinala sa kitchen.

Kumuha agad ako ng malamig na tubig sa ref at tinungga ito agad. Feeling ko talaga kasi sobrang uhaw ako sa malamig.

"Ahh.." ang sarap.

Paglagay ko ng pitsel sa ref at bigla akong natigilan.

May bigla akong naalala...

O________O

No way.


T_________T

..Flashback..

Pag uwi pagkatapos ng halik na ginawa ni jorge, naisip kong mag inom pagdating sa bahay.. No hindi pala. Laklak pala ang tawag sa ginawa ko. Nilaklak ko ang isang bote ng novellino.

Nang makalahati ko feeling ko kayang kaya ko ng gawin ang lahat. Wala nakong pakealam sa lahat. Habang umiinom ako, tumutulo ang luha ko. Ewan.

Siguro dahil sa napatunayan ko na gusto ko na nga si jorge. At hindi lang gusto. Dahil sa halik na yun, napatunayan kong mahal ko na pala ang playboy ng EU.

Hindi ko matanggap nung una. Pero ngayon, alam ko na sa sarili ko na sa una palang... bago palang kami magkaron ng deal, talo nako. Yung mga palapit lapit at pangungulit nya sakin nuon, dun nag umpisang magkaron sya ng epekto sakin. Pero nagpapanggap akong wala lang sya para sakin, at hindi sya nag
e-exist dahil ayoko. Takot ako. Ayokong masaktan.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now