~ 69 ♡ The Real Truth ♡

1.9K 46 3
                                    

Dedicated this chapter to my loves!! 😍😘 rexellyn47 NicaMaeMoina kquiambao1211 michet jhoyfajiculay raChelle_wallby ❤❤❤❤❤❤

//

~ Stacy

"Don't you ever... touch her again.. She's mine.."

Napatingin ako kay monster.

He's so serious. Hindi sya nagbibiro sa sinabi nya. Nakikita ko sa mga mata nya. At hindi rin ako nabibingi.

"Friend.." bulong ni maimai habang nakakapit sakin. Kanya kanyang bulungan na din ang maririnig sa buong classroom dahil sa eksenang nagaganap ngayon.

"I didn't touch her." Relax na sabi ni engel na may kasama pang pagtaas ng dalawang kamay nya sa ere..

"Engel." Tawag ko kay engel dahil baka kung saan pa mauwi ang pag uusap nila ngayon.

Tumingin sakin si monster. Napalunok ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Shit naman.

Nag iba ang ekspresyon ng mukha nya pero hindi ko pa din sya mabasa.

Maya maya nagulat nalang ako ng bigla nya akong hinatak. Nagulat ako pero wala nakong nagawa. Nagpadala nalang ako sa kanya palabas ng classroom.

At kung saan nya ako dadalhin? Yun ang hindi ko alam.



. . . . . . . . . .

"Bakit nandito tayo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa paligid.. sa kabuuan ng dagat.

Tumingin ako sa kanya ng mapansin kong hindi sya sumasagot. Nakatayo lang sya habang nakapamulsa ang isang kamay.

Hindi ko makita ang mga mata nya dahil naka shades sya. Mataas na ang araw kaya nasa isang lilim lang kami malapit sa tabi ng dagat.

Hindi ko alam kung bakit nya ako dinala dito, pero isa lang ang alam ko..

masaya ako..

Masaya ako dahil ang lugar nato, ay kasama sa mga masasayang alaala namin. Isa ito sa mga favorite place naming dalawa.

Pero bakit nga ba dinala nya ako dito? May naaalala na kaya sya? Naaalala na nya kaya ako?

Pero malabo.

Imposible. Kung naaalala na nya ako, hindi sya ganyan ka tahimik ngayon. Hihingi sya ng tawad at sasabihin nya sakin na mahal nya ako.

But i dont care anymore. Ang mahalaga sakin ngayon, magkasama kaming dalawa, dinala nya ako dito.. ibig sabihin.. ito na yung pagkakataon ko.

Yung.. 'make a new one' na sinasabi ni shirley.

^____^

"Ahemm..." tikhim ako para makuha ko ang atensyon nyang malayo ang nararating. Nasa kalagitnaan na yata ng dagat.

Tumingin sya sa direksyon ko. Hindi naman ganun kalayo ang agwat namin sa isa't isa.

"Ang ganda noh? Ang ganda dito" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya. Nagulat ako syempre sa tanong nya. Bakit hindi yata sya masungit? Goshhh.. hindi ako sanay... T____T

I mean, sanay ako dati na ganyan sya, pero ngayon parang hindi na. Siguro dahil na rin sa mga ipinakita nyang kasungitan sakin lately.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now