~ 71 ♡ Changes/Blessings ♡

1.9K 34 1
                                    

//

..Four months Later..

~ Stacy

It's been four months. Marami ng nangyari. Marami na ding nagbago. Hindi na tulad ng dati, sama sama kaming magkakaibigan. Araw araw nagkikita at nagsasama sama.. iba na ngayon.

Graduate na kaming lahat.

Nakakalungkot.. pero at the same time, masaya kami dahil unti unti nang nakakamit ng bawat isa ang mga pangarap nila. May kanya kanya na kaming buhay. Lahat naging busy na.. Halos minsan nalang kami magkita kita at magsama sama..

"Dude, hindi paba kayo tapos dyan? Padating na daw sila!" Sigaw ni buntis samin ni jorge dito sa kitchen habang nag pe-prepair kami ng mga niluto namin para sa mga bisita ngayong araw..

"Yes boss! Malapit na!" Ganting sigaw naman ni jorge sa asawa nya.

Yes. Kasal na sila two months ago lang..

After ng graduation, pinakasal na sila agad ng mga parents nila. Sobrang saya nga nung araw na yun. Isa yun sa pinaka masayang araw sa buhay namin. Grabe ang iyak ko nun sa sobrang tuwa dahil kitang kita ko sa mga mata ni dude kung gaano sya kasaya nung araw na yun.

Masaya ako na malungkot. Masaya ako para kay dude, dahil sa wakas.. masaya na sya sa piling ng asawa nyang si jorge na kitang kita naman na mahal na mahal sya.

Pero malungkot ako dahil hindi na kami nagkakasama ni dude. Mag isa nalang ako sa condo ngayon, though palagi naman nila akong dinadalaw... May sarili nang mansion sina dude at jorge na regalo pa sa kanila ng parents nila.

"Stacy.. puno na" napapikit ako ng marinig ko ang boses ni jorge. Pagtingin ko sa baso na sinasalinan ko ng juice, puno na pala..

"Haha.. sorry.." nahihiyang sabi ko kay jorge.

"It's okay.. ako na maglalabas ng lahat na yan.. pahinga ka nalang dun" nakangiting sabi nya sakin..

"You sure?" Tanong ko sa kanya. Nakaramdam kasi ako bigla ng pagod..

"Sure.. samahan mo nalang muna si sungit dun.." sabi nya sakin.

"Uhmm.. sige labas muna ako" sabi ko nalang at lumabas na ng kitchen nila.

Yes.. nandito kami ngayon sa bagong mansion nila.

^__^

_

"Hey dude, ako na dyan" agaw ko sa pamaypay na hawak ni dude. 

"Sige.." sabi ni dude at ako nalang ang nagpaypay sa barbecue na niluluto nya.

"Dude.. ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Ka buwanan muna.. dapat nag iingat ka. At saka dapat lagi lang nasa tabi mo ang asawa mo" sabi ko sakanya. Kasalukuyan kaming nasa garden nila. Dito namin naisip idaos ang birthday nya, kaya magtitipon tipon kaming magkakaibigan ngayong araw.. ^__^

"Uhmm.. ikaw naman kasi.. ayaw mo na siguro akong kasama sa bahay kasi mas pinili mong maghiwalay tayo kesa magkasama tayo.." Nagtatampong sabi nya habang naka cross arms pa..

"Nah.. it's not like that. Hindi sa ayaw ko.. It's just may sarili kanang buhay, may asawa at magiging anak kana.. hindi na tayo katulad ng dati. Alam kong nasanay tayo na magkasama simula bata palang tayo, pero sana maintindihan mo na hindi yun panghabambuhay.. ikaw, dumating kana sa point na nag settle down kana with your husband. May sarili kanang pamilya. At darating din sa point na mangyayari sakin yun. Pero kahit na ganun, tayo pa rin to. Walang magbabago satin.. okay?" Mahabang paliwanag ko sa nagtatampong si buntis. Inirapan lang ako ng loka.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now