~ 56 ♡ I Love You too ♡

2K 35 0
                                    

Dedicated this chapter to rexellyn47 jhoyfajiculay

//

♡♡♡

~ Stacy

"Dude ano ba! Bumangon kana dyan! Hindi kaba papasok???!" Rinig kong sigaw ni dude sakin sa labas ng kwarto ko habang ako naman, heto parang baliw na nakatingin sa salamin ko.

Shit.

No way! Hindi pwede to!!! Ayoko na!!!! Dapat nilamon nalang ako ng lupa kagabi eh!!!!

Mayghad naman bakit hinayaan kong malasing ako ng ganun???!

"Dude ano ba?! Gising ka naman pala eh! Kanina pa kita kinakatok! Late na tayo nandyan na kaya yung boyfriend ko!" -dude

Nagulat ako ng mabuksan nya ang pintuan. -__-

Okay sya na ang may duplicate ng susi ng kwarto ko. Tss.. tapos ano daw? Boyfriend nya? Tss..

But wait..

Di kaya, kasama nya si..

Omaygad. Pano na ngayon? Pano kung na turn off na sya sakin dahil sa mga kabaliwan ko kagabi??! Hindi. Juicecolored help me!!!!

"Sige, mukhang may hangover kapa, pahinga ka nalang muna. Mauna nako sayo, nagluto nako kumain ka nalang sa labas ha??" Sabi nya at lumabas na.

Tumayo ako at lumundag sa kama ko habang nagwawala..

Nang mahimas masan ako, nakita ko ang phone ko. Dahan dahan kong kinuha kung may text ba sya. Pero na dismaya lang ako ng makita kong kahit isa man lang wala.

"Waaaaaaah!!!! Galit nga sya! Galit sya! Ayaw na nya sakin! Turn off na sya! Di na nya ako mahal! Babawiin na nya ang singsing nato!!!! Ohhhhh huhuhhuu" para nakong nababaliw.

T_______T

Maya maya nagulat ako ng biglang may tumawag sa phone ko. Akala ko sya na pero nagkamali ako.

Napaseryoso nako at tinitigan nalang ang tawag. Hindi ko pa magawang sagutin. Hindi ko pa siguro kaya. Hanggang sa naka apat na tawag na hindi ko pa din sinasagot.

They stopped.

Nakahinga ako ng maluwag.

Please mom.. give me some time..

Maya maya biglang may nagtext. It's mom.

From Mommy:

Hi anak.. sorry to disturb you.. i just want to congratulate you anak.. I'm so happy na sa wakas... nakahanap kana din ng taong magmamahal sayo at mamahalin. Ang sakin lang anak, ayokong masaktan ka sa pangalawang pagkakataon. Basta ako bilang mommy mo, kami nila daddy at mga kapatid mo, kung saan ka masaya, susuportahan ka namin. Magiging masaya kami para sayo dahil mahal na mahal ka namin kaya kahit ano, gagawin namin. Kahit isakripisyo namin ang galit mo samin gagawin namin wag ka lang masaktan anak. We hope to see you soon. At sana anak, wag mo kaming kalimutan sa engagement party mo, lalo na sa kasal mo... mahal na mahal ka namin anak.. nandito lang kami ni dad mo. I love you baby.'

Tuluyan nakong napaiyak sa nabasa ko. Parang gusto ko ng tumawag sa kanila pero hindi ko na napigilan ang mga luha ko habang nakatingin pa din sa cellphone ko.

I love you too mommy..

. . . . . . . .

Nagising ako na medyo masakit ang mata ko. Siguro dahil sa pag iyak ko to kanina. Pero medyo magaan ang pakiramdam ko ngayon.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now