~ 70 ♡ Miss na Miss na kita! ♡

1.8K 43 4
                                    

Ang nalalapit na pagtatapos.. Mga ilang chapters nalang guys, please suportahan nyo po ako hanggang huli.. at sana po, maibigay ko sa inyo ang expectations nyo sa ending.. Maraming salamat po.. Mahal na mahal ko kayo.. 😍❤

//

~ Stacy

Hanggang sa makauwi ako sa condo, tulala pa rin ako. Totoo ba lahat ng nangyari ngayong araw? Totoo ba lahat ng nalaman ko?

Na yung night and shinning armor ko na matagal ko ng hinahanap, hinihintay, at kung sino sino na ang inakala kong sya na, all this time ay si monster lang pala??? All this time, nasa harapan ko lang pala, hindi sya namatay kundi buhay sya. At sya ang fiance ko.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nalulungkot ako na natutuwa. Pero parang mas nangingibabaw sakin ang lungkot kase, kung hindi dahil sakin, hindi sana namatay ang kambal nya. Kasalanan ko yun.

Pero may part sakin na sobrang saya ko dahil si monster ang night and shinning armor ko. Kaya pala... kaya naman pala kahit na ganun ang ugali nya, may pagka masungit, cold at laging galit, mahal na mahal ko sya. Sya lang ang lalaking gusto ko, at gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko.

"Dude, matulog kana.. wag ka na muna mag isip. Saka mona problemahin ang mga yan pag nakakaalala na sya. Sa ngayon, gumawa muna kayo ng mga bagong memories together." Nakangiting sabi sakin ni dude pagpasok nya sa kwarto ko.

Nakahiga nako pero hindi pa din ako nakapikit.

Umupo sya sa tabi ko. Napatingin ako sa tiyan nyang medyo malaki na ang umbok.

"Ikaw ang matulog na, dahil baka mapuyat pa ang inaanak ko." Biro ko sa kanya sabay hawak ng tiyan nya.

Inangat ko ng konti ang ulo ko sa headboard ng bed ko.

"Hmm don't worry about your inaaanak, i will take care of her.." nakangiting sabi nya sabay haplos ng tiyan nya. Nanlaki ang mata ko at napaupo ng tuluyan.

"Is it a girl??" Excited na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya at tumango tango sakin. Lumapad ang mga ngiti ko.

"Woow.. it's a girl!" Tuwang tuwang sabi ko. Parehas kasi naming gusto na sana girl ang first baby nila..

^__^

"Yes.." mangiyak ngiyak din nyang sabi. Niyakap ko sya.

"Dude, I'm sorry.. lately hindi na kita masyadong natatanong kung kamusta kana ba, kung ayos lang ba kayo ng inaanak ko, kung okay ka lang ba, hindi na kita napagtutuunan ng pansin because of my personal issues. I'm sorry dude.." sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Nah.. it's okay. I understand you. I love you dude.. sana... sumaya kana ulit.." sabi nya sakin.. naiiyak ako.

Tok! Tok!

Sabay kaming napalingon sa sunod sunod na pagkatok sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"It's me. Stacy, may ipapakita ako sayo.. importante to.." boses ni jorge sa labas ng pintuan. Napakunot ang noo ko. Dali dali namang binuksan ni dude ang pintuan.

Tumayo na din ako ay sumunod ako sa kanya sa pintuan.

"You have to see this.. sumunod kayo" sabi nya at mabilis na pumunta sa sala. Sumunod na din kaming dalawa ni dude.

_

"Tignan mong maigi.." sabi ni jorge habang nakatutok kaming lahat sa screen ng laptop nya.

Ito yung mga kuha sa cctv nung araw na maaksidente si monster.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now