~ fifteen ♡ Black Team ♡

2.5K 50 1
                                    

Picture ni Kat sa taas 🔝 ang pang limang member ng Black team

//

~ STACY

Isang araw na ang lumipas simula nung ma guidance kami ni maimai. At hanggang ngayon, kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.

Kinakabahan ako, pero at the same time, napapangiti ako pag naaalala ko yung mga eksena nung isang araw.

..FLASHBACK..

"Then, let's make a deal." Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ano pong ibig nyong sabihin madam??" Tanong ng G.O.

"Simple lang. Maglalaro sila ng patas. Since basketball players ang tatlong yan, yun ang game na paglalabanan nyo three-days from now." She said smirking. What the hell??! Ano ang gusto nyang palabasin????!

"Ibig nyo pong sabihin, dadaanin natin sa game ang desisyon???" Tanong ni G.O.

"Exactly" she said smiling.

It can't be.

Bakit masaya pa sya? Tapos basketball ang game eh hindi naman kami mga basketball player at ang masama pa, varsity players pa ang gusto nyang labanan namin? Tapos three-days from now agad???

Baliw ba sya??? Ano to???!!!

"Ano po ang deal madam??" Tanong ulit ni G.O.

"Well madali lang ang sagot. Since red team ang tatlong varsity players nato, silang dalawa naman ang magiging black team. Pag natalo ni red team ang black team sa laban, kusang aalis ang black team sa EU university ng walang sama ng loob." Sabi nya na ikinanghina ko. Ngayon palang parang ramdam kona ang pagkatalo. Nakita ko ang impit na pagngiti ng bulate chicks at ng G.O.

ano ba ang gusto nyang palabasin? Isang kalokohan lang ang gusto nyang mangyari!

Sinisiko ako ni maimai. Alam kong hindi rin sya sang ayon sa desisyong ito. Isa tong kabaliwan.

"Excuse me lang po, hindi naman po yata tama yan, varsity players po ang gusto nyong ilaban samin at-----"

"Bilang varsity players ng EU, isa kayo sa nagbibigay ng karangalan sa unibersidad nato, kaya bilang pag respeto sa inyo, binibigyan ko kayo ng advantage laban sa kanila. Pero hanggang dun nalang ang ibibigay ko sa inyo. Sa laban nato, ayoko ng madaya. Patas lang." Putol nya sa sinasabi ko. Anong klaseng laro ba ang gusto nya??!!

"Madam ano naman pong laban namin sa kanila-----"

"Binibigyan ko kayo ng tatlong araw para makapag praktis at mabuo ang team nyo. Sa labang ito lima bawat team. Simulan nyo ng maghanap ng mga ka teammates. Sa main court at exactly 8am in the morning magsisimula ang laban. Tandaan nyo, three-days from now, kaya maghanda na kayo. Ang aatras sa laban na ito ang syang magiging talo." She said at tumayo na. Pero kami ni maimai parang hindi kami makatayo. Nakakapanlumo ang deal na ginawa nya.

Isa isa nang nag alisan at lumabas ng office ni G.O ang bulate chicks pati kami ni maimai. Pero ako, hinihintay ko pang lumabas yung Madam.

"Mauna kana sa labas mai, may sasabihin lang ako sa babaeng yun" bulong ko sa kanya at sinunod nya nalang ako. Hindi ako nag antay ng matagal dahil maya maya lang ay lumabas din sya.

"Oh? Bakit nandito kapa??" Nakangiting bungad nya sakin paglabas nya.

"Madam, bakit po ganun ang desisyon nyo?? Sa ginawa nyo mas lalo nyo lang po kaming pinatalsik dito sa school." Sabi ko sa kanya. Hindi muna sya nagsalita. Hinila nya muna ako sa may gilid para siguro walang makakita samin na nag uusap.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now