~ 54 ♡ YES ♡

1.9K 41 1
                                    


//

~ Stacy

Sobrang saya ko para kay dude. Ar sobrang na bilib ako at proud na proud ako sa ginawa at effort ni jorge para kay dude. Dahil dun napatunayan nyang totoo sya at mahal nya talaga ang bestfriend ko. At dahil din dun, nawala na ang takot sa puso ni dude.

Alam ko naman nung una palang, nagpapanggap palang sila alam kong may pagtingin na sya kay jorge though hindi pa masyadong halata yung kay jorge dahil sa playboy image nya. Hindi namin inexpect na pareho na pala silang pinana ni kupido nung una palang. ^__^ bagay sila. Ang daming umiyak na babae kanina. Grabe talaga. Ipinag sigawan ba naman ni jorge ang pagmamahal nya kay dude? Aba eh... kahit sino hindi makakatanggi sa kanya..

Plano nya na ito nuong gabi palang na nagpunta sya sa bahay para dalhan ng flowers si dude. And yes pati ako kinilig ng malaman ko ang plano nya. Palihim akong tumulong sa kanila ng dalawang araw para sa araw nato na pinakahihintay naming lahat lalo na ni jorge. Pinalakas ko ang loob nya para maging matapang sya sa araw nato. At hindi nga ako nagkamali. Naging successful ang lahat. I'm so happy  for them..

"Frienship tara puntahan natin sila!" Bigla akong nagising mula sa pag iisip ng hilahin ako ni maimai at macky.

"Okay! Tara!" Sabi ko pero bigla akong natigilan ng makita ko ang likuran ni monster. Galit pa din sya hanggang ngayon. Ilang araw na din nya akong hindi pinapansin. I cross my arms sabay irap sa likod nya.

Hmp! Bahala ka sa buhay mo! Tiisan tayo! Ikaw na nga dyan ang hindi naman talaga nanligaw at nagtanong sakin kung gusto ko na ba syang maging boyfriend tapos sya pa ang galit???! Eh kung ganun, bahala talaga sya sa life nya!!

Sa isip ko lang habang naglalakad kami palapit kina dude at jorge pero kay monster pa din ang tingin ko.

Naiinis ako sa kanya!

"Thanks stacy..Hindi sya magiging akin kung hindi dahil sa tulong nyo, lalo kana.. pero kinabahan ako dun ah.." pabirong sabi ni jorge ng makalapit kami.

"Welcome! I just loved my bestfriend kaya gusto ko syang maging masaya. Wag mo lang syang sasaktan dahil ako ang makakalaban mo" sabi ko sabay wink sa kanya..

"Makakaasa ka" nakangiting sagot naman nya.

"Tsk.. may ganun pa kayo hindi pa tayo ikakasal noh!" Pabirong sabi naman ni dude kay jorge. Magkahawak ang kamay ng dalawa at halatang napaka saya nila. Ay bagay na bagay talaga sila! ^___^

"Ahemm..Ang lagkit." Sabi naman ni engel.

"Oo nga!!! Excited nako!" -maimai

"Treat namin bro!" Sabi naman ni macky sabay siko kay jorge. Nag promise kasi si jorge na i ti-treat nya kaming apat nila engel, maimai, at macky pag naging successful ang plano. Kaya heto, masaya ang mga matatakaw! ^^___^^

"No problem guys. Kahapon palang pinasara ko na ang Gerry's Grill para sa inyo lang. Magsama pa kayo ng iba. Lets go guys!" Sabi ni jorge kaya napasigaw sila engel at maimai.

Yey!!!!

Yahooo! Lets get it on!!!!

Attack!!!!

Lamon time!!!

Kanya kanyang sigawan sila pero ako, hinahanap ng mga mata ko si monster. Bakit ganito, parang ang bigat ng pakiramdam ko.. parang gustong bumaba ng pride ko at kausapin sya tapos mag sorry. Ano ba to. Ang lakas talaga ng epekto ni monster sakin. Tsk!

"Stacy lets go!!!" Tawag nila jorge sakin. Sumunod nalang din ako sa kanila.

"Okay!!" Nakangiting sabi ko.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now