~ eleven ♡ Bad Shirley ♡

2.6K 60 0
                                    

//

~ Stacy

"Ano yun?" Sabi ni Englebert pagbitaw nya sa braso ko. Ewan ko kung bakit sya nagkakaganito. Pero ewan ko din kung bakit ako natatakot ng ganito.

"Anong ano yun?" Pakunwaring sabi ko. Wala eh. Bwiset naman kasi.

"The kiss. What the hell is that?" Tanong nya. Kakaiba ang aura nya ngayon.

"Wala yun." Sabi ko tapos hindi ako tumingin sa kanya.

Kainis stacy isip ka ng sasabihin!

"Stop it. Sabihin mo na. Pano nangyari----"

"Sa bar kagabi. Hindi naman totally kiss yun---- i mean, mabilis lang yun dahil sya naman ang humalik sakin ng walang permiso ko tapos hindi ko alam na sa ganun kabilis, may kumuha agad ng mga pictures samin." Sinabi ko na ang totoo. Yun naman talaga ang totoong nangyari eh. Kaso napapaisip ako eh. Bakit koba kailangang magpaliwanag sa kanya? Tss..

"Hinalikan ka nya na naka nerd get up?" Tanong ulit nya. Para kaming nasa isang interview.

"Of course hindi syempre! Si monster yun eh! Hahalik ba yun ng nerd??." I said. Napapakagat tuloy ako ng labi. Kainis ayoko na ngang pag usapan yun eh.

"So kaya pala. Ilang beses na kayong nagkikita na hindi ka naka pang nerd get-up?" Tanong nya.

"Tsk. Three times na okay?! At hindi yun sadya! Ewan ko lang kung bakit minsan nandun sya lagi kung nasaan ako!. Wala akong pakealam sa kanya kaya pwede ba? Ayoko ng pag usapan please." Iritang sabi ko sa kanya. Nakakainis na kasi yung mga tanong nya. At saka ako na nga ang nanakawan ng halik eh! >____<

Hindi sya sumagot. Tahimik lang sya. Aalis na sana ako ng pigilan nya ang kamay ko.

"I'm sorry." He said. This time, maaliwalas na ang itsura nya hindi katulad kanina na nakakatakot sya at parang may nagawa akong kasalanan sa kanya.

"Okay lang. Sorry din medyo nagsungit ako." Sabi ko sa kanya. Nagsmile naman sya tapos nagsmile na din ako. Nagulat na nga lang ako ng bigla nya akong yakapin. Itutulak ko sana sya kaso bigla syang nagsalita....

"stay still"

Hindi nalang ako tumutol sa kanya. Hinayaan ko nalang sya. Ang weird nya talaga. Maya maya bumitaw din naman sya.

"Sabay tayo lunch later" sabi nya pa sabay alis. Pshh...Napangiti nalang ako. yung lalaking yun talaga. Para naman kaming mag boyfriend, girlfriend nito. ^___^

Ano ba tong nasa isip ko!

___

Pabalik na sana ako ng room ng biglang may humarang sa daanan ko. Si bitch pala kasama yung isang kaibigan nya.

"Look who's here" maarteng sabi nya habang naka cross arms pa. Tsss akala mo naman kung sinong umasta.

"Eh di sino pa? Si lande" sagot naman ng isa pa. Wow. Just wow. Kailan naman ako naging malandi. --___'-

"Ano bang kailangan nyo??" Tanong ko sa kanila.

"Ikaw, ano bang relasyon mo kay besty? Bakit ba lagi kang dumidikit sa kanya? Iwasan mo sya hanggang kaya ko pang pigilan ang sarili kong may magawang hindi maganda sayo"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.

"Bakit? Ikaw ano bang relasyon mo sa kanya para pigilan akong lumapit sa kanya? Kaano ano mo ba sya? Boyfriend mo ba sya? Wala kang karapatang pagbawalan ako dahil hindi mo sya pag aari." sabi ko sa kanya na nakikipagtitigan sa mga mata nya. Halatang namumula na sya sa galit.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now