~ twenty six ♡ Night And Shining Armor, Red Clinton??? ♡

2.3K 65 1
                                    


//

~ Macky

"Wow. Ang galing. She's so cool." Sabi ko kay ice habang naglalakad kami papunta sa tambayan. Isang napaka gandang laban ang pinakita ni nerd ngayong araw. Kaso parang nagmamadali sya kanina dahil bigla nalang syang nawala after nung game.

"Yeah. She's unbelievable" -Ice

"Nga pala bro, dadating na si Englebert bukas." Sabi ko. Tumawag kasi sakin kanina.

"Yeah. I know."-Ice

Napatingin ako sa harap namin. Nakatayo si shirley sa dadaanan namin.

Mugto ang mga mata nya. Halatang galing sya sa matinding pag iyak. Tsk. Mahirap to.

Lumingon ako kay Ice. Seryoso lang sya sa paglalakad at parang walang balak na pansinin si shirley.

_____

~ shirley

Kanina pa sobrang sakit ng loob ko. Kaninang umaga nagtext ako kay Ice na manood sya ng laban ko pero wala. Hindi sya dumating pero sa laban ng nerd na yun dumating sya?!

Yung feeling na parang wala nakong maramdaman habang nakatingin ako sa kanya, sa kanila nung babaeng yun. Parang pinipiga ang puso ko ng paulit ulit.

I can't take this anymore.

"Shirley let's go. Umalis na tayo" yaya ni genesis sakin pero ayoko pang umalis. Hindi pwede. Hindi ko na kaya to.

"Mauna kana. Kailangan ko syang makausap" -ako

"Sinasaktan mo lang ang sarili mo eh! Tama na! Hayaan mo na sya------"

"No! W----we need to talk" umiiyak na sabi ko.

"Tsk. Bahala kana dyan magpakatanga!"-genesis

Naglalakad silang dalawa ni macky. Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. Kailangan ko syang kausapin. Hindi pwede ang pambabalewala nya sakin.

Naglalakad na sila papunta sa pwesto ko. Sinadya kong gumitna para harangin sya pero parang wala syang nakikita. Para akong isang multong invisible sa kanya. Nang malapit na sila, ngumiti sakin si macky pero si Ice...

Dire diretso lang sya sa paglalakad. Lalampasan nya pa sana ako ng hawakan ko ang wrist nya para pigilan sya.

"Stop.It.Already."

(Silence)...

Tumigil sila sa paglalakad. Walang nagsasalita kahit si macky. Magkasalungat ang mga direksyon ng tingin namin.

.
.
.
.
.
.
.
.

"What do you want"-Ice

"T-tama na....m-masakit na" sabi ko gamit ang basag kong boses. Pinipigilan ko ang pag iyak.

"Mauna nako"-Macky

Humarap ako sa kanya habang hawak pa din ang wrist nya. Kumakawala sya sakin pero hinihigpitan ko ang paghawak sa kanya.

"Ikaw paba si Ice na kilala ko?" Tanong ko sa kanya. Dahan dahan syang humarap sakin..

"No." Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa kanya at sapilitang tinanggal ito.

Pagtalikod nya sakin, dun ko lang pinakawalan ang mga luhang nag uunahan sa paglandas sa pisngi ko...

___________________________________________

~ Stacy

Nandito ako ngayon sa hospital malapit sa condo namin. Nakatingin ako kay mommy habang nakahiga sya hospital bed. Hawak ko ang kamay nya at kanina ko pa sya kinakausap.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now