~ thirty five ♡ Akala ko ba??? ♡

2.1K 55 3
                                    

Dedicated this chapter to rexellyn47 😙😘😚😍

//

~ Maimai

Nagising akong masakit ang ulo ko.

"Awwww" daing ko habang hawak hawak ko ang ulo ko. Grabe. Pati mga katawan ko ang sakit. Feeling ko hindi ko kayang tumayo. T____T

Saka ko nalang naalala yung nangyari kanina. Nakatingin lang ako sa taas.

Ngayon ko lang napansin. Nasa clinic nga pala ako.

At si.....macky.

Sya nga pala ang nagdala sakin dito kanina.

Bago ako gamutin kanina hindi ko makakalimutan yung tingin nyang yun sakin bago isara nung nurse yung kurtina. No way. Ayokong maging assuming pero.... nakita ko ang sobrang pag aalala sa mukha nya kanina. Hindi ko alam pero yun talaga ang nakita ko.

Pero bakit naman sya mag aalala sakin? Sino ba ako? Isa lang naman akong seatmate nya na hindi nya masyado pinapansin! Isa lang naman ako dun sa mga fan girl na humahanga sa kanya.

Muli nanaman tuloy nag sink-in sa utak ko yung pagbuhat nya sakin kanina at pagdala dito sa clinic. While staring at his beautiful eyes, I wish na sana..... maging akin nalang sya..

Oo gusto ko sya. At kinikilig talaga makita ko lang sya. Pero alam kong hanggang dun nalang yun. Malabo mangyari na maging importante ako sa kanya. Tsk.

Eeekkkkk...

Dahan dahang bumukas ang pinto.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

O________O

Si macky.

"Hi? Kamusta kana? Okay ka naba?" Nakangiting tanong nya sakin. Omaygad. Feeling ko parang biglang nawala ang mga masasakit sakin. Feeling ko, bigla nalang akong gumaling agad agad!

Ngumiti din ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makalapit sya sa pwesto ko.

Ang hot nya tignan ngayon kahit na medyo pawis sya at may band-aid sa may bandang kilay. Mas lalo itong nakapagpadagdag sa ka astigan nya. Syete naman! Am I dreaming right now? Bakit po ako nakakakita ng anghel na astig?

May ganun ba? OA. --__'-

Umupo sya sa upuan sa tabi ng bed kung saan ako nakahiga. Nakangiti pa din sya sakin. Grabe talaga parang ang hirap huminga. Tapos idagdag pa yung naka itim na sando lang sya ngayon. Lumitaw tuloy ang mga muscles nya sa braso at balikat. Sobrang fit ng katawan nya. Ang ganda. Kumbaga sa babae, matatawag kong ang sexy nya. ^__^

Okay.. ako na ang malandi.. --___'-

"Wag mo masyadong tignan. Baka matunaw at mawala ang mga abs ko" nakangiting pagbibiro nya. Deym.. Napalingon ako sa ibang direksyon. Napapalunok ako ng sunod sunod. Gusto kong umalis na sya. Parang hindi talaga ako makahinga eh.

"Okay ka naba?? Ayos naba ang pakiramdam mo?" Tanong nya ulit sakin.

"A.hh ha?? A-ahh o-oo! Oo naman ayus nako.. salamat.. salamat nga pala sa pagdala sakin dito.." nakangiting sabi ko habang nauutal. Kainis naman. Ano bang nangyayari sakin!

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now