~ 50 ♡ Ganern ♡

2.1K 38 0
                                    


//

~ Shirley

"Bumalik na naman pala sya! Nakakainis na talaga ang babaeng yun! Gusto mo ako ang kumalbo sa kanya???" -genesis

"Alam mo kasi, hindi ka naman dapat ganyan eh! Kung hindi lang nag exist yung babaeng yun! Dapat sa kanya mawala nalang----"

"Stop it. Ang ingay" saway ko kay genesis habang nagbubunganga sa harapan ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria habang nag
la-lunch.

"Tsk. Sinasabi ko lang yung totoo.. talaga naman kasi eh." Naka pout na sabi nya. Hays ang babaeng to. Naintindihan ko kung bakit sya ganyan. Pero ayoko na muna kasing pag usapan.

"Tama na gen. Ayoko na. Stop nako.." sabi ko habang umiinom ng juice.

"WHAT?! wtf! Anong stop? Stop kay Ice? Ganun nalang? Bibigay mo nalang sya sa iba? Titignan mo nalang sya habang masaya sa iba? Habang ikaw nasasaktan? Naririnig moba ang sinasabi mo??" Pasigaw na sabi nya sakin. Pero tinignan ko lang sya ng serysoso.

Hindi ako kumibo.

"Shirley. If you really love him, then fight for him!"

"Fight for him? Knowing that he's never fighting back for me? What for? For so much hurt? Can't you see? He's not mine anymore." Emotional na sabi ko sabay bitaw ng iniinom ko sa table. Bigla akong nanghina. Hindi ko matanggap na ganito ang mangyayari. Wala sa isip ko na magmamahal pa pala ng iba si Ice. Buong akala ko, simula nuon at hanggang ngayon.. ako lang ang mamahalin nya. Nagbabago din pala ang lahat.. nagbabago din pala ang tinitibok ng puso ng isang tao..

"She.. I'm sorry.. i didn't mean to.." biglang sabi ni gen sabay punas ng luha ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"I'm okay.." sagot ko.

"Ahhmm.. she,," sabi ni gen kaya napatingin ako sa kanya at sa tinitignan nya.

Sa di kalayuan, nakaupo si Ice at stacy habang sabay na nag la-lunch..

Nakatingin lang ako sa mga mata ni Ice. In love sya. Sobrang in love sya ngayon at ganyan ang mga tingin nya sakin nuong kami pa. Ganyan din sya ngumiti. Ganyan din sya kasaya. Ako dapat yan..

Masaya sana kami hanggang ngayon, kung hindi lang dahil sa sakit ko. Kung hindi lang ako umalis. Sana... kami pa ngayon.. ako sana ang babaeng katabi nya ngayon..

Unti unting sumariwa ang isa sa mga masasayang sandali na magkasama pa kami ni Ice.

*

"Happy Anniversary babe.. Iloveyou.." mahinang sabi nya pagkatapos nyang tanggalin ang piring ko sa mata na ginawa nya.

Medyo malabo pa ang paningin pagkatanggal ng panyo na nilagay nya sakin pero nakikita ko na ang sobrang gandang ginawa nya. Dinala nya ako sa isang resort at sa tabing dagat, mayroong isang malaking hugis puso na gawa sa mga red roses habang may mga magagandang kandila na nakasindi sa paligid at may nakasulat sa gitna ng puso..

'I love you babe'

Napatakip ako ng bibig at halos tumulo ang luha ko sa sobrang halo halong emosyong nararamdaman ko. Tuwa, kilig, lahat.

Isa isa kong tinignan ang napaka romantik na ginawa hinda nya para sa anniversary namin. May mga red balloons, may mga magagandang christmas lights at sa gilid ng hugis puso ay may isang napaka gandang arrange table for two. May magandang kandila sa gitna, halatang masasarap na pagkain habang may tatlong musicians na tumutugtog.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Onde as histórias ganham vida. Descobre agora