~ twenty one ♡ The Reason ♡

2.6K 68 5
                                    

//

~ Lyca

One week na ang lumipas simula ng manalo kami sa game na binigay ng may ari ng university which is mom ni Ian. Yung campus prince na masungit.

Marami na din ang nangyari sa loob ng pitong araw. Lalong lalo na sa bestfriend kong si stacy. Dahil sa alam na ng marami lalo na ng mga boys ang kanyang tunay na kadyosahan, sya na ngayon ang pinagkakaguluhan ng mga boys. Isa na sya sa campus crush sa buong university kahit na naka-pang nerd get up pa din sya. Pero syempre hindi na yata mawawala ang mga inggit sa kanya kaya naman mas dumami pa ang haters nya. Lalo naman ako! Mas dumami ang mga nakakaharap ko dahil sa kanya. Ayaw na ayaw kong makakarinig ng hindi maganda about sa kanya dahil naiinis ako!

May isa pa akong napapansin sa kanya. Bilang bestfriend nya, kabisado ko sya. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng kakaiba. Ngayon ko lang napagmasdan ang mga mata nyang nagkikislapan. Ngayon ko lang sya nakitang asar na asar sa isang tao kahit na kitang kita sa mga mata nyang hindi naman talaga.

Maraming nagbago sa bestfriend ko. Ako na mismong bestfriend nya na kasama na sya mula sa pagkabata palang ay nasasaksihan ang mga pagbabago sa kanya. Natutuwa ako sa part na hindi na nya nababanggit ang night and shining armor nya. Kung dati ay walang araw na hindi nya ito naaalala, ngayon naman ay parang nakalimutan nya na ito sa isang iglap lang.

Kung bakit ako natutuwa??? Syempre. Ayokong umasa at masaktan si stacy sa bagay na hindi na mangyayari kahit na kailan. Ayoko na syang maghintay sa taong hindi na babalik.

Masaya ako na unti-unti na syang binabago ng mga tao sa paligid nya. Ng mga taong nakikilala at nakakasalamuha nya. At sana.... magtuloy tuloy na..

Pero ako? Hindi ako masaya. Isang linggo na din kasi akong may fake boyfriend na laging sundo ng sundo sakin at sumasabay sakin tuwing lunch! Makulit at umaastang akala mo ay totoo ngang mag boyfriend kami!

Damn him!

. . . . . . .

Third Person's Pov

"Madam, nagbalik na sya." Sabi ni mark pagpasok nya sa office ko. Isa sya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Ang secret agent ng kumpanya ko.

Kasalukuyan akong may ginagawang paper works pero bigla nyang nakuha ang atensyon ko. Kahit na wala pa syang binabanggit kung sino ay alam ko na agad kung sino ang tinutukoy nya.

"Talaga? Okay. Gawin nyo na ang dapat na matagal nyo ng nagawa." Sabi ko at tinuloy na ang ginagawa ko.

"Pero madam...-----"

"Anong pero????!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Tulad ng dati, meron nanamang humaharang sa mga plano. Ilang beses na syang nakikialam." Paliwanag ni mark.

"WHAT???! Sino nanaman ba to????! Wala pa naman si adrian dito sa pinas ah! Nasa korea pa sya kaya hindi pwede ang sinasabi mo! Oh sadyang may sa pusa talaga ang batang yun kaya hindi nyo sya mapatay patay!!!"  Sigaw ko sabay hagis ng mga hawak kong papel. Nag iinit na naman ang ulo ko. Bwisit na bubuwit yun! Hindi pa sya mawala sa mundong to! Dapat mawala na sya para makaganti man lang ako at matahimik nako!!!

"Sorry madam. Pero pangako, gagawin namin ang lahat. Siguro kaming mapapatay na namin sya sa pagkakataong to. Alam na namin kung saan sya nag aaral. At kahit na magtago pa sya sa panget na anyo, hindi na sya makakawala samin"

"Dapat lang. Lahat ng haharang sa inyo, patayin nyo din. Maliwanag????!" Madiin kong sabi sa kanya.

"Yes! Madam!!" Sabi nya at yumuko muna bago umalis.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora