~ seventeen ♡ For The Win ♡

2.2K 54 2
                                    

              Dedicated to @rexellyn47
What if By: Jayson Chen. Lyrics above 🔝 😘

//

~ Jorge

Hindi kona natiiis ang ginagawa ng red team at ng referee. Tumayo ako at mabilis na naglakad. Alam kong nagulat si macky sa ginawa ko.

"San ka pupunta??" Tanong ni macky.

"Pupuntahan ko ang referee na yun at tatanggalin sa trabaho" seryosong sabi ko.

"Hindi mo rin natiis noh?" Bulong ni macky habang naglalakad kami.

"Tsk. I will just tell the referee to get lose. Ayoko ng madaya. Varsity player din tayo at sinisira nila ang pangalan ng mga varsity player. Kasama tayo sa pinahihiya nila." I said. Nakakapikon na. Ang sakit sa mata ng ginagawa nila.

"Wow. Talaga lang? Oh dahil sa ayaw mo lang mawala sa EU ang bestfriend ni nerd? " Sabi ni macky

Tss.. Pakealamero talaga...

Lumingon ako sa pwesto ng black team pero hindi kona nakita ang mukha nya dahil umupo na sya sa bench habang nagpupunas ng mukha. I heard some gasp from everyone. They talking about the game and to be exact sa black team.

Tss.. I dont care. Hindi ko nalang pinansin. Ang gusto ko ngayon ay mapatalsik ang bias na referee na naging bias sa game. Humanda sya sakin.

Malapit nako sa referee ng biglang may humarang sa daanan ko.

"What are you planning to do jorge?" She said smirking. Her smile is like she's teasing me.

Its tita maricar..

"Tita, maricar! Ano pong ginagawa nila?! Wala po ba tayong gagawin? Cant you see the game is being unfair! Niluluto nila ang laban!" I said to her. Bakit ba kasi nakatingin lang sya.

"Ako ng bahala. Sorry iho, gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang kaya ng black team" she said sabay wink.

Tssk. Mommy ba talaga sya ni ice? Napaka childish nya talaga.

At ano namang ibig sabihin ng mga ngiti nyang ganun?

Haisst!

Nakita kong lumapit na sya sa referee. Hindi ko alam kung anong sinasabi nya pero nakita ko ang pagtango tango nito sa kanya. Ano bang ginagawa nya? Bakit hindi nya nalang paalisin yang gagong referee na yan?!

Tsk.

Bumalik nalang ako ulit sa taas sa pwesto namin namin ni macky. Magsisimula na ulit ang second set. Pero ang alam ko hanggang dalawang set lang ito. So panghuli na nila to. Pag natalo sila dito, katapusan na ng black team. Pero ano naman sakin? Wala akong pakealam sa kanila.

Napatingin ako sa referee. Ano bang balak ni tita maricar at hindi nya pa din pinaalis ang referee na yun?

"Anong sabi ni tita Maricar?" Tanong ni macky.

"Ewan ko. She stopped me. Sya daw ang bahala" sagot ko.

"Pero bakit nandyan pa din ang siraulong referee na yan??!" Galit na turo ni macky sa referee.

Naiinis na din siguro sya.

"I don't know." Sabi ko lang habang nakatingin sa bestfriend ni nerd. Iba na ang itsura nya. Makikita na ang pagkapikon nya sa mga kalaban lalo ka sa referee.. Halata din na wala sya sa focus at panay ang lingon nya sa paligid.

Malamang nag aalala sya sa bestfriend nyang hindi sumipot sa game..

"Lets trust tita maricar." macky said.

Huminga nalang ako ng malalim at inayos na ang upo ko.

--___--

Damn. Bakit ba ako nagkakaganito? Babae lang naman yan.

Psshhh..

Pero bigla kong naalala si engelbert.. Nasan na kaya yung isang yun? Kanina pa sya wala simula ng mag start ang game.

Pareho lang sila ni Ice na bigla nalang din nawala.

Mga loko talaga.

____

~ Lyca

Nagsimula na ang panghuling set namin. Dalawang set lang ang napagusapan. Tig labing limang minuto lang. Kailangan naming lumamang ngayon sa loob ng 15 minutes.

Sucks.

"All right girls, 15 points ang lamang ng bulate chicks, meaning tatlong three points lang ang kailangan natin. Maimai, and kat, ipasa nyo samin ang bola. Kami na ang bahala sa shooting." Sabi ko sa kanila. Tumango naman ang dalawa at pumwesto na kami.

Nakakainis ang ngisi ng bulate chicks. Ang sarap nilang asinan! >__<

Bulate chicks, manood kayo... Kahit na kulang kami, mananalo kami.

(Smirked)

"They'll regret messing with us black team..  It's showtime" i grinned and winked at my team. Alam na nila yun, lalo na si max. Pag ako nagagalit sa court, nagiging halimaw ako..

*____*

"I think so, too.. we dont need to hold back right?" Max asked me while wearing a playful smile.

Hindi na namin hahayaang makascore ang bulate chicks.

^__^

____

~ Jorge

"Ang galing ng ginawa nila. Nilampaso nila ang naturingang varsity player na madaya. Tsk." Puri ni macky sa black team na himalang nanalo ng tatlong puntos laban sa red team sa loob lamang ng ilang minuto.

Hindi na naging bias ang referee sa huli at dahil na rin siguro sa init ng ulo ng red team kaya natalo sila sa black team..

Well thats nice. What an amazing game!


❤❤❤

A/N: Itutuloy...

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now