~ twenty five ♡ The Game ♡

2.2K 49 2
                                    

//

~ Stacy

Napaupo ako sa damuhan. Hindi kona alam kung nasaan ako banda dahil lutang ang isip ko. 50/50 nararamdaman ko. Gusto ko ng puntahan si mommy ngayon din sa hospital! Dahil naman sakin kaya nagkaganun sya. Tapos heto ako, hindi makapagdesisyon dahil nakasalalay sakin ang pagkapanalo ng team namin at ng buong university. Meron nalang akong 20 minutes na natitira!

Ganito pala yung pakiramdam na hindi mo alam kung anong pipiliin mo.

Damn this fucking situation!

Napasuntok ako. Hindi ko alam na may maliit na puno pala sa likuran ko.

Awww fuck!!

Hindi ako na kuntento. Pinagsusuntok kopa ng paulit ulit ang puno hanggang sa dumugo na yung kamay ko pero wala pa din akong pakealam kahit na magkasugat sugat pa ang kamao ko. Umiiyak na din ako dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.

Inis. Galit. Lahat!

Damn this feeling! Damn this killers! Kasalanan nila to. Ano bang kailangan nila sakin at gustong gusto na nila akong mamatay! Bakit ba simula palang nuon, hanggang ngayon! Hinahabol pa din nila ako!

______

~ Jorge

Kanina pa kami nakatambay ni Ice dito sa may likod ng garden. Masarap kasi tumambay dito habang nakahiga sa damuhan. Kitang kita mo ang langit, hindi mainit dahil may mga nakapaligid na mga puno, mahangin at ang pinakamaganda sa lahat, tahimik. Bihira kasing may mapadpad na students dito. Alam kasi nilang dito kami tumatambay kapag wala kami sa tambayan.

"Hey. Tumayo na kayo dyan. Ngayon ang laban ni stacy diba? Hindi ba kayo manonood?" Napadilat ako pagkarinig ko sa nagsalita. Si macky pala. Nanood yan ng laban nila shirley ngayon sa volleyball.

"Yep. Manonood ako. Syempre manonood kami ni babe" sabi ko sabay upo.

"Lul! Babe mo mukha mo! Fake naman kayo!" Tsk. Pang asar talaga ang isang to eh. --_--

"Aba! Bakit ikaw? May Girlfriend kaba??"

"Stop. Ang ingay nyo" si Ice. Umupo din sya katulad namin ni macky. Tumingin pa sya sa wrist watch nya. Sus. Kunwari pa ang loko. Gusto din naman manonood.

"Bro, tapos na ang laban nila shirley." Sabi ni macky. Hindi sya pinakinggan ni Ice kaya ako nalang ang sumagot.

"Oh ano? Kamusta ang laban? Nakatulog kasi ako eh! Tsk!" Sabi ko. Sayang di ko napanood ang laban nina shirley. Ang se-sexy pa naman ng team nya! Tsk.

"They lose" malungkot na sabi ni macky.

"What??!" Takang tanong ko. Napalingon din si Ice sa kanya.

"Natalo nga sila"

"Niloloko mo ba kami??!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kahit na kailan kasi ay hindi pa yun natatalo. Sila kasi ang champion kada taon. Nawala man si shirley ng isang taon, hindi pa din nagpatalo ang team nila. Wala pa ngang nakakatalo sa kanila eh! Kaya pano ako maniniwala na talo sila ngayon?!

"Talo nga sila bro! Magaling ang kalaban nila ngayon. Villamore University ang kalaban nila. At isa pa, si shirley! Sya ang nagpatalo sa team! She's out of her mind! It's like she's not in the game! Lagi syang tumitingin sa pwesto ko at hinahanap si Ice." Mahabang sabi ni macky. Napatingin kami pareho ni macky sa kanya pero parang wala lang. May tinitignan syang iba. Sinundan namin ang tingin nya at dun, nakita namin ang isang babaeng umiiyak habang pinagsusuntok ang isang kawawang puno sa di kalayuan..

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now