~ 64 ♡ Waiting? ♡

1.6K 33 0
                                    


Dedicated this chapter to kquiambao1211 jhoyfajiculay rexellyn47 raChelle_wallby ❤❤❤❤

\\

~ Stacy

Dalawang araw ulit ang nakalipas. Nandito ako ulit sa mansion nila monster. Pangatlong araw ko na to.. masakit man, pero tinatanggap ko ang lahat ng ginagawa at sinasabi nya sakin.

Kaya ko to.. hindi ako susuko..

"Iha.. ayos lang ba sayo ang ganito? Patawarin mo ako, wala akong magawa para tulungan ka," malungkot na sabi ni tita maricar. Hinawakan ko ang dalawang kamay nya.

"Tita, you don't have to say that. Kaya ko to. Kailangan ko lang po syang intindihin dahil may sakit sya. Alam ko pong hindi nya magagawa sakin lahat to kung naaalala nya ako. Tita, magpakatatag nalang po tayo.." sabi ko kay tita. Kasalukuyan kaming nandito sa kitchen at hinahanda ang breakfast ni monster. Inagahan ko talaga ang pagpunta dito gaya ng napag usapan namin ni tita kagabi.

"Thanks iha.. ang swerte talaga ng anak ko sayo.. Im so proud of you iha.." sabi ni tita sabay yakap nya sakin.

Naluluha na naman ako pero heto at pinipigilan ko nanaman. Hindi pwedeng masira ang araw ko..

"Sige na iha.. nasa garden na siguro yun.. dalhin mo na yan sa kanya" nakangiting sabi ni tita sakin.

"Sige po tita. Ako na po ang bahala dito. Thanks po for helping me today.." nakangiting sabi ko kay tita.

"Maam! Nandun na sya sa garden. Kakapunta nya lang dun. At mukhang maaliwas na ang mukha nya. Hindi nga nya ako pinansin oh inutusan ng kahit na ano pagkakita nya sakin" humahangos at masayang sabi ni manang ising samin na parehong ikinatuwa naming dalawa ni tita maricar.

"Mabuti naman.. sige na iha.." pagbibigay signal sakin ni tita.

"Sige po. Goodluck sakin" masayang sabi ko at umalis na bitbit ang isang tray nang pagkain na kami mismo ni tita ang nagluto..

^___^

____

"Okay. Bye." Rinig kong sabi nya sa kausap nya sabay baba ng cellphone nya. Napansin kong iba na din ang cellphone na gamit nya. Bigla ko tuloy naalala yung yung mga pictures naming dalawa sa isang cellphone nya.

Nasan na kaya yun? Nakalimutan ko din itanong yun kay tita.

"Hi.. good morning" bati ko sa kanya ng mapansin nya akong papalapit sa kanya. As usual, hindi na naman nya ako pinansin. Sa libro na naman nya tinuon ang atensyon nya. Dahan dahan kong inilapag ang isang tray na dala ko sa table nya.

"Breakfast time.. with your medicine" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kanya. Tumingin sya sa pagkain na hinahain ko.

"Bakit ikaw ang nagdala nyan?" Cold na tanong nya habang cold as Ice din syang nakatingin sakin.

"Ahm ano kasi.. kaming dalawa ng mom mo ang nagluto at nag prepare nyan para sayo." Sagot ko.

"Bakit? Wala bang katulong dito? Sila manang?" Dagdag nya.

"Si manang kasi may ginagawa sya at ang iba pa kaya naisip namin na kami nalang ng mom mo ang gumawa ng-----"

"You don't have to do this. Your just wasting your fucking time. Next time, wag mong gagawin ang hindi mo trabaho" masungit na sabi nya sakin. Well para sakin hindi nako nasasaktan sa mga sinasabi nya. Mas okay na nga sakin yung ganito, dahil kahit papano... kinakausap nya na ako. Hindi tulad ng mga nakaraang araw, talagang dedma lang.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now