~ 53 ♡ You Changed My Life ♡

1.7K 34 0
                                    


//

~ Stacy

"Problema mo?" Tanong ni dude habang naglalakad kami sa hallway.

"Tsk. Naiinis ako kay monster. Nag uumpisa na naman sya." iritang sabi ko.

"Yan. Hindi mo kasi sya boyfriend! Hahahaha" pang aasar pa sakin ni dude. Badtrip talaga. Mali ba yung sinabi ko? Tama naman ako diba? Hindi pa naman sya nanliligaw, hindi pa sya nagtatanong sakin kaya talaga namang hindi! At isa pa, pag oo naman sinagot ko kagabi, parang nakakahiya naman yata! Ano assuming lang ganun?

Tsk.! Kagabi pako natawag at nagtetext sa kanya, kung ayaw nya akong kausapin, pansinin di wag! Bahala sya sa buhay nya!

_

~ Lyca

"Wait lang dude.. parang may kakaiba? Late naba tayo? Bakit parang tayo nalang yata ang naglalakad dito? Kahit saan walang studyanteng man lang akong makita?" Sabi ko habang ginagala ang mga mata ko sa paligid.

Ganun din ang ginawa ni dude.

"Oo nga no! Anong oras naba? (Sabay tingin sa wristwatch nya) oh! Maaga pa nga eh! May 20 minutes pa kaya tayo.. baka wala tayong pasok?" sabi ni dude. Nakakapagtaka kasi. Ngayon lang yata naging ganito ka tahimik.

Maya maya may nakita kaming janitor na naglalakad.

"Manong? Bakit parang wala po yatang studyante ngayon maliban samin? Wala po bang pasok?" Tanong ni dude kay manong.

"Ay.. hindi, may event yata na nagaganap dun sa stage kaya pinaputol ng dalawang oras lahat ng klase. Nandun lahat ng studyante" sagot nya samin.

"Ahh ganun po ba? Sige po manong maraming salamat" sabi nalang ni dude

"Event? Bakit hindi yata natin alam yun?" Tanong ko kay dude.

"Uhm oo nga noh? Eh di tara! Tignan nalang natin!"

Sabi nya sabay hila sakin. Ang bilis bilis pa nga namin maglakad.

Maya maya lang, narating din namin ang stage. Grabe. Napanganga ako sa kumpulan ng mga studyante. Halos lahat yata ay nandito. Pero mas namangha ako sa ganda ng mga nakikita ko. I mean, ang ganda ng themes na ginawa nila sa stage. It's my favorite peach color.

Wow..

Hindi lang yun, may mga magagandang baloons, at kung ano anong dekorasyon ang makikita sa kabuuan ng malaking stage ng EU. Idagdag pa ang favorite song ko na starving ni Hailee Steinfeld.

"Dude? Ano kayang meron?" Tanong ko kay dude habang nakatingin sa stage.

"Dude? Dude??? Nasan ka-------" pagtingin ko sa tabi ko wala na si dude. Pero ng hahakbang na sana ako paalis para hanapin sya ng biglang magsiksikan hanggang sa maipit nako ng mga kumpulan ng mga studyante habang nagtitilian. Tsk. Mukhang hindi nako makakaalis dito ah. Ano bang meron kasi? May artista ba? Pero wala naman akong makita sa taas ng stage!

I tried to get my phone into my pocket but i can't. Masyadong masikip. Badtrip naman. Bakit pumunta pa kasi kami dito.

Iritang tumingin nalang ako sa harapan. Wala nakong magagawa pa kung hindi makisabay sa mga hibang na nandito.

Pero maya maya lang, bigla nalang nag iba ang background music tapos may mga students na pare pareho ang suot habang isa isang umaakyat ng stage. Nang makaakyat ay isa isa din nilang tinaas ang mga dala dala nilang malaking cardboard.

Napatili ang lahat ng makita namin ang nabuo nilang mga letra.

I. L.O.V.E. Y.O.U

Maya maya lang ay may mga umaakyat na naman na ibang grupo na may hawak na naman cardboard. Pumunta sa dulo ang unang grupo habang itinataas naman ng bagong grupo ang ang kanila.

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now