~ twelve ♡ Concern? ♡

2.3K 58 0
                                    

//

~ Stacy

"Dude ang galing mo! Nakapasok ka sa lagay na yan? Mga varsity player pala ang mga yan" manghang sabi ko sa kanya. Nakaupo kasi kami dito sa bleacher habang nanonood sa mga ka team nyang nagpa praktis. Kakatapos lang nya kanina at ng dalawang ka batch nyang mag praktis kaya eto sya ngayon. Pawis na pawis. ^___^

"Bakit dude? Anong palagay mo sakin? Mas magaling pako sa mga yan. Baka nakakalimutan mo, nilalampaso ko lang ang mga varsity players ng korea." She proudly said sabay irap pa ang loka.

"Eh di ikaw na dude." Pang asar ko sa kanya. Pero totoo, magaling sya talaga. Inaasar ko lang. ^___^

"Dude ah, inaasar mo talaga ako ah. Oh ano ikaw ba? Bakit hindi kapa mag join sa archery club?" Tanong nya.

"Pumunta nako kanina. Mamaya pa daw after lunch ang membership. Mukha ngang mahihirapan ako eh. Ang susungit ng mga nandun" sabi ko sa kanya.

"Dude, kaya mo yan ano kaba. Masanay kana sa mga asal daga na yan. Maiilap masyado. Kailangan mong mag asal pusa para mahuli mo ang mga loob nila." She said sabay wink. Ang babaeng to talaga masyadong malalim.

Prrrrrrrrrrrt....!!!

"Oh pano dude? May pangalawang praktis pa kami ha? Mamaya nalang. Baka hindi nako makasabay ng lunch sayo okay?" Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti. Tumayo na din ako habang naiiling.

Nakalabas nako ng gym at maya maya lang habang naglalakad ako, may tumawag sa phone ko..

Englebert Calling....

"Hey," bungad ko sa kanya.

[Nasan ka? Sunduin kita]

"Ahm nandito ako sa-----"

Hindi kona natuloy ang sasabihin ko. Lumaglag ang cellphone ko kasama ng pagbagsak ko sa semento.

Aww, ang sakit naman.

Bulong ko sa isip ko. Hawak ko ang balakang ko at medyo sumasakit ang bandang labi ko. Mabilis kong sinuot ang nalaglag kong salamin.

Pagtingin ko sa harap ko, yung mga nakaitim nanaman. Binato nila ako ng isang malaki at matigas na bola at sa gilid ng mukha ko tumama. Maya maya lang sabay sabay na silang nagsitakbuhan at nawala sa harapan ko. May mangilan ngilan pa ngang studyante ang nakakita.

"Uy! Okay ka lang? Dalhin ka namin sa clinic ah?" Sabi ng babaeng nagsalita habang tinatayo ako.

"Kawawa ka naman. Bakit ikaw ang puntirya nila ngayon? May ginawa ka bang mali?" Tanong ng isa pa. Umiling lang ako sa kanya at napaisip. Totoo, wala naman akong ginagawang.....

Tama. Sinasagot at binabastos ko nga pala ang monster na yun. Pero ang babaw nila. Napaka sama nila! Wala silang puso pati babae sinasaktan nila!

>__<

Sa mga nakakita ng nangyari sakin dalawa lang ang lumapit at dinaluhan ako ng tulong. Grabe sila. Parang feeling ko, may dumudugo sa mukha ko at pakiramdam ko, hindi ako makakatayo dahil nahihilo ako.

"Dalian natin! Mar bilisan mo buhatin mo na sya! Dumudugo na ang ilong nya!"

Maya maya, naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin at pagkatapos, napapikit nako.

And everything's get black.....

_

~ ICE

Papunta akong tambayan. Balak kong matulog sandali dahil napagod ako sa praktis namin kanina. Yung tatlong gago ewan ko, nauna na yata dun.

Dali! Dali! Wala na syang malay!

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now