ang importante ay mapakain ko ang dalawang musmos na ito.

Inabutan ako ng pinggan ng isang empleyado.

"Salamat."  at tinapunan ng nagtatakang tingin ang dalawang batang kasama ko.

"Kumain na kayo." nang pinaghainan ko na sila.

nagtinginan muna ang magkapatid. sabay dampot ng pagkain sa pinggan.

Naalala ko, hindi nga pala malinis ang kamay ng dalawa.

"Maghugas muna kayo ng kamay bago kumain." saad ko pa.

Napatango lamang sila. may isang babaeng empleyada muling sumingit samin nang ihahatid ko sila sa sink ng pantry.

"ako na po mam." ani ng nasa edad 40 na babae.

Napangiti ako.

"Mam, may kailangan pa po ba kayo? may gusto ba kayong kainin?"  natatarantang tanong ng babae sa Canteen. 

Umiling ako at binalik ang atensyon sa dalawang batang masayang kumakain sa hapag.

"Wala na..salamat."

Nagkaron ako ng pagkakataon pagmasdan ang dalawang bata.

pareho silang payat at malaki ang tyan.

yung bunso ay halos lumuwa na ang mga mata. siguro dahil yun sa gutom.

Ang ate nama'y halos masunog ang balat at kinalimutan ang pag-aayos ng buhok.

"Ito pa oh." sinubuan ng panganay na bata ang kanyang kapatid.

napangiti akong muli.

Ang totoo niya'y naaalala ko sa kanila ang aking kapatid na si tricia.

Nung mga bata pa kami'y naligaw kami nun sa isang gubat. iyak ako ng iyak dahil takot ako sa dilim.

nagkataon rin na umuulan at malakas ang kulog.

Si Tricia, dahil siya ang matapang samin dalawa.

palagi niya akong pinapasan. malakas ito kahit nun mga bata kami.

kahit alam ko nahihirapan na ito sa pagpasan, sige pa rin. 

Ang mahalaga'y makalabas kami ng Gubat at makarating samin Camp.

Naalala ko ang pagyakap niya sakin at pag-aalo.

Sabi niya pang hindi niya ako iiwan at papabayaan.

Wala akong maisigaw na pangalan kundi mama at papa.

dahil takot na takot ako.

Hanggang sa may mag-asawang nakakita samin at pinatuloy kami sa kanilang kubo sa bundok.

Pinakain, inalagaan.

ang huli kung naalala ay nakita kung tumulo ang luha sa mata ng matandang babae nung nagpapaalam na kami sa kanila.

ramdam ko yun, dahil kahit sa kunting sandali.

naramdaman ko na may mga tao pa rin palang kahit di mo kadugo ay pwedeng mag-alaga sayo.

"Ate umiiyak po kayo?" tanong ng batang babae.

agad ko naman pinahid ang luha sakin pisngi at nailing humarap sa kanila.

"Ilang araw na kayong hindi kumakain?" tanong ko sa kanila.

"Ang totoo niyan, halos dalawang araw na rin po. naawa na nga po ako sakin kapatid eh." hinawakan nito ang noo ng kapatid na wari'y may dinadama dun.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now