Gayundin si Papa Bernardo. 

Sandali kung kinuha ang aking mga gamit. mag-aalas onse na ng tanghali.

Nagpaalam ako sakin sekretarya. bilin ko na nasa urgent meeting ako.

dali dali akong nagtungo sa parking lot.

kailangan ko rin makabalik ng maaga lalo pa't aasikasuhin ko pa ang branch namin sa Cebu.

Anna's POV...

"Hello Dina, andyan ba ang sir mo?" ani ko sa kaedad kong babae. nakasuot ito ng navy blue na corporate attire at nakapusod ang gintong kulay na buhok.

"Ah Mrs. Brazil, kayo po pala yan." gulat nitong sabi ng humarap sakin.

"Umalis po si Sir eh, may pinuntahan meeting. hindi naman po niya sinabi kung san at kung anong oras siya babalik." 

Napatango na lamang ako at napatingin sa hawak kung pagkain. nagluto pa naman sana ako para magkasabay kaming kumain. hindi kasi ito kumain ng breakfast pag-alis ng bahay.

"May kailangan po ba kayo Mam Anna, tatawagan ko po kung gusto niyo." akma na sanang magdidial ito ng number pero pinigilan ko na. baka nasa kalagitnaan ito ng meeting.

"Wag na, baka makaabala pa ako." ani ko sa sekretarya ng aking asawa.

Bagsak ang mga balikat kung naglakad paalis ng opisina ni Cyrus. may ibang bumabati sakin dahil kilala na ako ng ilang empleyado. Maliit lang ang ngiting binibigay ko.

Wala akong ganang makipagkwentuhan kanino man tungkol sa nararamdaman ko.

I know, busy ang asawa ko sa kanilang negosyo. Nabanggit din sakin ng kanyang sekretarya na baka inaasikaso nito ang problema sa branch nila sa Cebu.

Kung sana ay makatulong man lang ako sa kanya sa pag-aasikaso ng kanyang kompanya.

kahit papano, may alam naman ako pagdating sa trabaho.

hindi ako magiging Magna Com laude kung wala akong alam sa negosyo nito.

Paglabas ko ng building. Napansin ko ang dalawang batang nasa lansangan.

Namamalimos. 

Pareho silang babae. Yung isa mga nasa edad tatlo, samantalang yung isa namay nasa pito o walo.

karga nung matandang babae ang kanyang kapatid.

Nalulungkot naman ako dahil sa tuwing lumalapit yung dalawang bata sa tao, nilalayuan sila.

hindi pinapansin.

Bigla kong naalala ang dala kung pagkain.

lumapit ako sa dalawang bata at nakangiting sinalubong ang mga ito.

"Ate palimos po, pambili lang po ng pagkain, hindi pa po kasi kumakain ang kapatid ko eh." tiningnan ko ang bata sa likod nito.

halata ang gutom sa pagmumukha ng dalawa.

"Oh ito, pagkain. halikayu." iginaya ko sila papasok ng building.

"Kuya, papakainin ko lang po ang dalawang bata." ani ko sa guard nung papasok kami.

"Sige po mam." senenyasan nito ang kasamahang guard at iginaya kami papunta ng pantry.

napansin ko naman medyo naiilang ang dalawang bata sa pagpasok.

"Halikayu, dito kayo kumain. baka masagasaan kayo sa daan eh." ani ko sa kanila. umupo kami sa gilid ng Pantry.

Nasamin ang atensyon ng buong tao sa building. pero wala akong pakialam.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now