~ 71 ♡ Changes/Blessings ♡

Start from the beginning
                                    

"Tss.." sabi lang nya sakin. Masama pa rin talaga ang loob nya ng ipagtulakan ko sya nuon na dito nalang sila tumirang mag asawa sa mansion nila kahit na ayaw nya kasi gusto nya, magkasama pa din kami.

Pero hindi na kami mga bata pa..

"Happy birthday dude" sabi ko sa kanya sabay kindat. Pero inirapan na naman nya ako. ^__^ ang cute nyang magbuntis.  Ang sungit :)

"Ikaw.. kamusta na kayo ni Ice?" Nagulat ako sa biglaan nyang tanong..

Napatigil tuloy ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya.

"Alam kong masaya ka sa kanya, pero alam kong may part sayo na hindi ka masaya sa nangyari.. nung ikinasal kami ni beb, nakita ko sa mga mata mo, masaya ka para samin, pero nakita ko din sa mga mata mo, na sobrang nanghihinayang ka dahil kasal ka na din dapat nung time na yun.. kung hindi lang sana sya naak----"

"Stop it. Ayoko ng pag usapan. Masaya naman kami kahit paano. Hindi man nya ako naaalala, gumagawa naman kami ng mga panibagong memories together.." sabi ko sa kanya at muling bumalik sa ginagawa ko.

"Talaga dude? Masaya ka? Nasan ang masaya sa hindi nyo madalas pagkikita? Sa hindi nya madalas na pag e-effort? Oo minsan dude... pero hindi na katulad ng dati. Minsan wala na syang time sayo tapos trabaho ang laging excuse nya sayo. Kaya sabihin mo, nasan ang masaya dun? Na ikaw, nililibang mo lang ang sarili mo sa trabaho dahil alam mo sa sarili mong hindi kana masaya.." Sabi nya dahilan para matigilan ulit ako.

"Dude tama na.." i said. Naiiyak na naman ako. For the past four months pinilit kong wag ng umiyak. Pero siguro nga tama lahat ng sinasabi ni dude sakin ngayon. Hindi ko sya masisisi dahil alam kong kahit hindi kami magkasama, nalalaman nya pa rin ang mga nangyayari sakin, at samin ni monster.

"Kung hindi kana masaya, give yourself a break. Just once. Give space to each other. I'm not saying maghiwalay na kayo, kundi konting panahon para malaman kung mahal nyo pa ba talaga ang isa't isa. Kung talaga bang mahal ka nya kahit wala syang maalala, kung para talaga kayo sa isa't isa, kayo hanggang huli."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mata ko. Naramdaman ko nalang ang pagyakap sakin ni dude mula sa likuran ko.

"Don't be afraid dude. Love yourself. You have to love yourself more than anyone. It's your weapon not to get hurt..again"

"Hey!! Hey!! We're here!!!" Boses ni macky yun. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mata at pisngi ko.

"Hey! Tagal nyo naman nasan na yung iba?" Sabi ni dude at nauna ng humarap sa kanila.

"Okay lang.. sinundo ko pa kasi ang girlfriend ko.." biro ni macky at sakto pagtingin ko, nakita ko ang pagsiko ni maimai sa kanya.

"I miss you both.." sabi ni maimai paglapit nya samin sabay yakap. Niyakap din namin sya pabalik.

"Group hug!"-maimai

"Grabe, halos dalawang linggo lang tayong hindi nagkita makayakap wagas?" -dude

"Araw araw tayong magkasama miss agad? Eh parang magkasama lang tayo kagabi ah.." pabirong sabi ko kay maimai. Inirapan nya lang kami sabay pout. Well that's true, dahil ako na ang nagma manage ng company namin dito sa pinas, mas pinili ni maimai magtrabaho sa company namin kesa sa sarili nilang company. Puros lalaki naman ang mga kapatid nya kaya sila ang nagma-manage naman ng company nila.

Katwiran nya kasi daw gusto nyang palagi kaming magkasama at nagkikita. Ayaw nya daw malayo samin dahil baka kalimutan na namin sya.. ^___^

How dummy but she's too cute para hindi pagbigyan sa gusto nya.. She's doing good and she's very smart. Isa pa, ayaw din namin syang mawala sa paningin namin. ^^__^

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now