"Ahm ano.. okay lang naman. Ayos lang sakin. Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Gusto ko lang pagsilbihan ka.." sabi ko sa kanya. Nakatingin lang sya sakin na ikinatuwa ko. Simula ng magkasakit sya, ngayon nya nalang ako ulit tinignan ng matagal.

'Yan.. ganyan nga. Tama yan. Tignan moko ng tignan para maalala mo nako..' bulong ko sa sarili ko..

"Kain kana. Para mainom muna ang gamot mo" nakangiting sabi ko.

Pero nakatingin lang sya sakin. Tapos maya maya lang,.. 

"Can you get me one more plate, spoon and pork?" Sabi nya sakin.

Omg. Kinakausap nya na ako! And take note! Hindi na yata sya galit! Balak nya pa yata akong i sabay sa breakfast nya! Napangiti ako ng lihim. Pinigilan ko lang.

"Ah. Yes! Sure! Wait lang ah!" Nagmamadaling sabi ko at umalis na para kumuha ng mga pinapakuha nya sakin. Sakto kanina pagtalikod ko, gumuhit ang mga ngiti sa labi ko... ^__^

__

Mga two minutes bago ako nakabalik. Masayang naglalakad ako dala ang isang plato, at pares ng spoon and pork na pinakuha nya sakin.

Pero ng makalapit nako sa kanya,..

kusa nalang nawala ang mga ngiti sa labi ko, at ang saya sa puso ko, pati ang konting pag asa ko kanina, na napalitan ng biglang panlulumo.

Napakasakit palang makita ang taong mahal mo na masayang ngumingiti sa iba.

<\3

Ang sakit lang. Akala ko.. kahit pano, may improvement ang araw nato. Nagkamali lang pala ako. Umasa lang pala ako.

"Hey! Dalhin mo na dito yan!" Tawag ni monster sakin na akala mo, kung sino lang ako. Napatingin sakin yung babae. Maganda sya, at mukhang sophisticated. Parang model. Actually, walang wala ang suot ko ngayon sa suot nyang maikling dress at mataas na heels. Tinitignan nya ako mula ulo, hanggang paa. Para bang may sinusuri sya.

"Is she a maid? She's beautiful. Parang hindi sya katulong" Said the girl.

Wow. What a compliment..

Well, hindi ko sya masisising mapagkamalan nya akong katulong sa itsura ko ngayon. Naka apron, at may dalang plato, pares ng tinidor at kutsara.

"Ano? Hindi mo paba yan dadalhin dito? Gutom na kami" masungit na sabi pa ni monster sakin. At yun ang nakapagpagising sakin sa katotohanan. Kusa akong lumapit sa kanila at inilapag ang plato sa tapat ng babae pati ang pares ng kutsara at tinidor na kanina ko pa gustong itusok sa kanilang dalawa dahil sa sarap ng pagkaka akbay ni monster sa babae.

'Hindi pala para sakin ang plato na to..' sa isip ko habang nakatingin sa plato na kinuha ko kanina.

"Thanks.." sabi pa ng babae sakin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Halo halong emosyon. Sobrang sakit ng parusang ginagawa ni monster sakin ngayon. Sobrang sakit na halos gusto ko ng ilabas lahat ngayon mismo pero pinipigilan ko lang dahil nasa harapan nila ako.

Tumalikod nako at akmang aalis na ng biglang magsalita ulit yung babae.

"I guess, your not a maid, but a chef.. Yung carbonara? Masarap sya." she said. Patulo na sana ang luha ko pero buti nalang nagawa ko pang kontrolin at dahan dahang humarap ulit sa kanila.

Pareho silang nakatingin sakin.

Pero hindi ko tinitignan si monster. Sa babae lang ako nakatingin. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para magawa ko pang makapagsalita ng hindi nauutal sa harapan nila.

"No. I'm not a maid, and also I'm not a chef.. I'm stacy Villamore. His fiance. But don't worry. Not anymore" buong tapang at nakangiting sabi ko sabay talikod sa kanila sabay lakad ng mabilis.

As soon as i turned my back, that's the moment i let go of my tears..

Dali dali akong sumakay kay boomie at duon, ibinuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko..

<|3

. . . . . . . . .

~ ICE

I don't know what I'm feeling but, when I'm looking at her, I feel something but hard to explain. This is sucks! I don't remember anything! I can't remember anything!

Kahit anong pilit ko, hindi ko maalala. Hindi ko sya maalala na sinasabi nilang fiance ko daw! I can't believe what's happening right now. Basta ang alam ko lang, marami akong dapat, at kailangang malaman.

When i first saw her, there's something i felt inside me. I don't know, it's kind of excitement. Pero nangingibabaw sakin ang pag iisip. Im being depressed. It's sucks. Lagi akong naiirita at pakiramdam ko, laging umiinit ang ulo ko. Hindi ko mapigilan. Tsk!

Yung girl na sinasabi nila, lagi ko syang tinataboy, sinusungitan pero parang wala syang balak na sumuko dahil punta pa din sya ng punta dito sa bahay. Sobrang kulit nya. Kahit na masasakit na ang sinasabi ko, parang wala lang sa kanya. Tsss.. ibang klase din ang babaeng yun.

Hanggang sa naisip kong gumawa ng paraan para tumigil na sya kakapunta dito sa mansion. I contacted one of our h.r employee from our company. Sinabihan ko syang mag ayos at magbihis ng maganda pagpunta dito sa bahay dahil sa isang purpose. Alam kong pupunta nanaman ngayong araw ang babaeng yun. Para tumigil na muna sya.

Literally, My head hurts everytime I hear her name, everytime i see her.

And that's bullshit.!

"No. I'm not a maid, and also I'm not a chef.. I'm stacy Villamore. His fiance. But don't worry. Not anymore"

Paulit-ulit sa utak ko ang mga huling sinabi nya bago sya umalis kanina. Hindi ko akalaing magiging successful ang ginawa ko. Ganun kabilis syang sumuko. Psshh..

But why do i have this feeling that i want to say sorry to her? That i want to follow her? And then......

Ow.. what the fuck I'm thinking right now. Damn!

"I'll deposit your tf tomorrow morning. Thanks" sabi ko sa babaeng empleyado namin na pinapunta ko dito. Bumitaw din ako agad sa pagkakaakbay sa kanya kanina pag talikod palang nung babaeng sinasabi nilang fiance ko.

"Thank you sir! Till next time.." she said smiling. Sino ba naman ang hindi matutuwa, ganun lang ang ginawa nya, may malaking pera na agad sya.

Mga mukhang pera nga naman..

___

..The Next Day..

Paglabas ko ng garden, may nakahain na agad na breakfast at medicine ko sa table tapos may dalawang maid na nakabantay sa gilid kasama si manang Ising. Lumingon lingon ako sa paligid.

Iritang puwesto nako at nagsimula ng mag breakfast.

Hanggang sa matapos akong kumain, at hanggang sa mag lunch na ay hindi pa din dumadating ang makulit at nakakaasar na babaeng yun. Wala pa din sya. Oh well, I'm not expecting her and also I'm not fucking waiting! I'm just.. I'm just fucking surprise na nagtagumpay ako sa plano ko.

Nung sumunod na araw ay hindi ko na ulit naramdaman ang presensya ng babaeng yun. Hindi ko sya hinahanap. At wala akong pakealam sa kanya.

"Iho? May hinahanap kaba? Kanina kapa hindi mapakali dyan sa upuan mo, lingon dito, lingon duon. Alis dito, alis duon, may kailangan kaba iho?" Tanong ni manang Ising na ikinaasar ko.

"Ano bang pakealam mo?!" Iritang sabi ko at padabog na pumasok nalang sa loob ng bahay. Tsk. Matandang yun! Kailan pa sya naging mapagtanong ng ganun? Psshh..

But in the other hand, I think.. she's fucking right. Am'I looking for her???!!

♡♡♡
ITUTULOY...

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Место, где живут истории. Откройте их для себя