"How dare yo-"

"God! Akala ko may nangyari nang masama sayo sa loob."

Natigilan siya at pinanlamigan ng katawan. Pakiramdam niya'y napigil niya ang paghinga at bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang boses ni Kristof. Binitiwan siya nito at pagkuwa'y sinapo nito ang mukha niya. Nakalarawan ang matinding pag-aalala sa gwapong mukha nito. Napamaang at napatanga na lang siya dito. Halos ay hindi pa rin siya makaimik sa matinding gulat.

"You made me worried."

"A-anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong niya dito nang matauhan.

"I followed you here." sagot nito. "Tell me, masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito. "Kanina pa kasi kita tinitingnan eh. And it's too obvious that you're not ok."

"I'm.." napalunok siya at pilit na pinakaswal ang sarili kahit pa kanina pa nagririgodon ang puso niya sa matinding saya at kaba. "I'm fine."

"Are you sure? Baka pwede namang ire-schedule niyo iyang photoshoot."

"I'm really fine." pagkasabi niya niyon ay tumalikod na siya at naglakad palayo.

"Zean."

Tumigil siya sa paghakbang nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya. Kumakabog ang dibdib na nilingon niya ito. Halos ay napigil niya ang paghinga nang ngitian siya nito.

"Alam ko hindi ka pa sanay sa presensiya ko kaya sa labas na lang muna ako magi-stay. Hihintayin kita sa labas." anito. Gusto niyang magsalita nang mga oras na iyon ngunit ayaw bumuka ng labi niya. "You can do it Zean. Whatever happens, always remember that I'm always here for you." tumango na lang siya sa sinabi nito. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. "And always remember that.. I love you.. Until my last breath.."

Mahina lang ang pagkakasabi nito sa huling sinabi nito ngunit gayunpaman ay malinaw iyon sa pandinig niya.

Habang naglalakad siya nang mga oras na iyon unti-unting sumilay ang isang ngiti sa labi niya. If he's trying to make her feel ok and inspired, well, he succeed.

__ __ __ __ __

"Bye Zean! Iaupdate na lang kita sa mga photos na ipapasa at iaapprove ng Teens Mag."

Siya kasi ang gagawing cover ng Teens Mag para sa taong iyon.

"Yeah sure." sagot niya at nginitian ang organizer na si Charm. "Bye." paalam niya sa mga ito at agad na lumabas sa building kasama si Tasha.

"So, nasan na ang prince charming mo?" tanong nito habang iginagala ang tingin sa paligid.

"Hindi ko alam." sagot niya at ikinalat din ang tingin. "At pwede ba," tinaasan niya ito ng kilay. "Tigil-tigilan mo nga ako sa prince charming prince charming na iyan!"

"Sus! As if I know, siya ang dahilan kung bakit ka inspired kanina. Makangiti sa camera wagas eh. Akala mo wala nang bukas." pambubuska nito.

"Tse! Umuwi ka na nga!" pagtataboy niya dito.

"Para ano? Para masolo mo siya? Sige madali lang naman akong kausap eh." anito at mabilis na pumara ng taxi.

"Hoy sandali, para binibiro lang eh." pigil niya dito nang pasakay na ito sa taxi na pinara nito. "Huwag ka munang umuwi."

"Ang gulo mo teh!" salubong ang kilay na sabi nito. "At saka isa pa, kailangan ko nang umuwi loka-loka ka. May pinapagawa kasi sakin si Papa." dugtong nito. Napanguso na lang siya nang wala sa oras. "Alam mo, sa nakikita ko, mahal mo pa siya eh kaso pinipigilan mo lang." natigilan siya sa sinabi nito.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan!" pagkakaila niya.

"Zean, sometimes you need to face your fear to be happy and free. Hangga't hindi mo natatanggap na mahal mo pa rin siya sa kabila ng lahat ng nangyari, hinding-hindi mo siya mapapatawad at bibigyan ng pagkakataon."

Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Nginitian siya ng kaibigan.

"Zean I want you to be happy. You've suffered enough. Tama na ang dalawang taong pahihirap. Huwag ka nang magpakabulag sa galit mo kasi never kang sasaya kung mas aalagaan mo iyan kaysa sa love mo sa kanya."

"Why are you telling me this?" naguguluhang tanong niya dito.

"I asked him about the past. Pinakinggan ko ang side niya. I tried to understand his unexplained side. Explanation that you never bothered to listen."

"Tasha.."

"Try to listen to him Zean. Open your heart and mind for you to be happy." nginitian siya nito. "But as of now, I don't think that is possible."

Kumunot ang noo niya. Bakit nagbago agad ang isip nito? Ang gulo talaga ng takbo ng utak nito kahit kailan. Nakakaewan tuloy itong kausap. May tililing eh.

"Ang gulo mo." nakaingos na sabi niya. Ngumisi ito.

"Kabisado ko lang kasi ang ugali mo. And all I can say is that, you will never like what I'm looking at right now."

Kumunot ang noo niya sa narinig. May inginuso ito. Nagtatakang napalingon siya sa direksiyong tinitingnan nito at ganon na lang ang pagsalubong ng kilay niya nang makita si Kristof na may kausap na babae. Bahagyang nagtatawanan pa ang mga ito. It seems like they're enjoying their conversation. Bigla na lang nabuhay ang inis sa kaibuturan ng puso niya dahil sa nakikita ng mga oras na iyon. Naikuyom niya ang mga palad. She can't deny the fact that she hate it when he's happy with other's company.

Puwes kung mas masaya at magi-enjoy ito sa iba ay mas mabuting umalis na lang siya at iwan ito doon.

"Let's go Tasha!" tawag niya sa kaibigan.

"Goodluck to your heart bestfriend. Bye!"

Napalingon siya sa kaibigan at halos ay umusok na ang ilong niya nang makitang nakalulan na ito sa taxing umandar na palayo sa kinatatayuan niya.

"Tasha sandali! Huwag mo akong iwan dito!" nagpapadyak na siya sa kinatatayuan.

Isang kaway at tawa lang ang isinagot nito sa kanya. Sometimes, Tasha really never failed to annoy her.

Naiinis na napalingon siya sa kinaroroonan ni Kristof at tinaasan lang niya ito ng kilay nang makitang dumako ang tingin nito sa kanya. Inirapan niya ito at agad na pumara ng taxi. Pagkasakay niya sa humintong taxi ay humabol si Kristof at kumatok sa bintana.

She glared at him.

"Hey open the door Zean."

"Stop following me Kristof! Do whatever you want to do and I'll do mine!"

"Zean! Ano ba buksan mo ito!"

"No! Go away!" bulyaw niya dito. "Kuya tara na po." baling niya sa driver.

"Zean please open the door." nagmamakaawang pakiusap ni Kristof. Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy ito sa paghabol sa taxi. "Zean! Don't leave me here! Hindi ko alam ang address niyo. I didn't have my cellphone with me."

"And that's not my problem anymore!"

"Zean!"

"Bahala ka sa buhay mo! Umuwi ka mag-isa mo!"

A/N: hahahaha Nang dahil sa matinding selos, tumaas na naman ang pride ng lola niyo.. hahahaha :-D Ano kayang mangyayari sa susunod na chapter?.. Abangan niyo na lang.. Ayokong maging spoiler eh kahit excited na ako.. hahaha XD

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Where stories live. Discover now