//~//

Anna's POV

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan si Cyrus. Kitang kita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha at kahit ako, kung pwede nga lang magtatalon sa tuwa ay ginawa ko na.

"Mommy , Bili na tayo ng mga gamit ng kambal." Napatingin ako sa mahigpit niyang paghawak sakin mga kamay habang papalabas kami ng Clinic.

"Cyrus masyado pang maaga para mamili ng mga gamit."

"Sige na mommy please." Nagpout ito ng labi at parang bata sa kanyang inaakto. "Tsaka ipapaayos ko na rin ang nursery room para sa kambal. Sandali at tatawagan ko lang si Architect." magsasalita pa sana ako subalit agad na itong bumitaw at maya maya lang ay kausap na nito ang architect na gumawa ng bahay.

Sandali kong pinagmasdan si Cyrus. Ngumingiti ang kulay abo niyang mga mata. Napailing na lamang ako.

Alam ko masaya si Cyrus dahil sa resulta ng ultra sound at masaya na rin ako dahil isa ako sa mga dahilan ng kasiyahan niyang iyan.

Kasiyahan na noon ay si tricia lamang ang nakakapagbigay.

Matapos nitong kausapin ang architect ay hinila na naman ako nitong muli papasok sa department store ng Mall.

Panay ang kwento sakin ni Cyrus kong ano ang plano niyang gawin sa magiging kwarto. Kung ano ang mga ilalagay na gamit at wallpaper. Hinihingian niya ako ng suggestion pero wala naman akong maibigay dahil wala naman akong alam sa mga ganyang bagay.

Maya maya lang ay napagdesisyunan naming pumasok sa Deparment store para bumili ng ilang gamit. Maghawak pa rin ang aming mga kamay.

"Pare kamusta na?" Sabay kaming napalingon ni Cyrus sa kung sino ang tumawag sa kanya.

Lumapit si Anthon kasama ng ilang mga kaibigan nito. Bigla akong nakaramdam ng pagkaasiwa. Anthon was my suitor, pero hindi ko siya sinagot dahil hindi ko naman siya gusto.

"Anna kamusta ka? mukhang gumaganda ka ah." biro pa nito sakin sabay halik sakin pisngi.

Nabigla naman ako sa ginawa nito sabay baling ng tingin kay Cyrus na biglang nag igting ang panga.

Nakipagbeso na rin ako sa ibang kasama ni Anton.

"Anyway what are you two doing here? kasama niyo ba si Tricia? Ano pare buntis na ba? mukhang napikot mo na ah." Biglang biro ni Rafael.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi nito. Wala nga palang nakakaalam tungkol samin dalawa.

Yumukod ako samantalang si Cyrus naman ay napatingin sakin.

"Where is she?" Biglang tanung ni Tina, kaibigan rin nga pala ito ni Tricia.

Napatingin ako kay Cyrus. Kahit siya alam ko na hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin sa mga kaibigan.

" Ahh, pare kasi.." Hindi maituloy nito ang sasabihin habang naghihintay naman ng sagot ang kaibigan niya.

"Mukhang getting to know each other stage kayo ng kapatid ng fiancée mo ah. ilakad mo naman ako pre ulit." Sabay kindat sakin ni Anthon.

Nagulat ako ng bigla akong higitin ni Cyrus.

"I'm with my wife." Tipid na sagot nito habang nakakapit ang kamay sakin.

"Yeah we know Tricia, but where is she?" Nililibot pa ng tingin ni Tina ang buong paligid.

"The woman beside me is my wife, Anna."

Biglang nagulantang ang mga kaibigan nito sa kanyang sinabi.

"Weih? Maniwala ako." si Rafael na nagawa pang magbiro sa kabila ng namumuong tensyon sa paligid.

"Wala na kami ni Tricia matagal na and katatapos lang ng kasal namin ni Anna." Deritsong sagot ni Cyrus.

Nilingon ako ng mga kaibigan nito na parang kinukompirma ang sinasabi nito sa kanila. Napatango lamang ako sabay yukod.

I know this thing will happen pero kailangan namin harapin ang lahat. Hindi panghabang buhay ililihim namin ang tungkol samin relasyon.

"So you mean, kayo ang kinasal ni Anna at hindi ang fiancée mo?" pang-uulit pa ni nilo.

"Yes pare, and I'm sorry for not telling you about this. " Nilingon ako nitong muli bago nagpatuloy sa pagsasalita.

Natahimik ang mga ito na tila baga nahihiya sa mga pinagsasabi kanina.

"Ikaw kasi." Rinig kung bulong ni Kelvin kay Rafael habang tinutulak ito.

"Anong ako? nagtatanong lang eh." Asar naman sagot ng binata.

Napansin ko si Anthon na bahagyang lumayo sakin at puwesto sa mga kaibigan.

Binalingan ko ito at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Ba't naman ang bilis pare, I mean hindi naman sa nakikiusyuso ako pero hindi ba Fiancé mo na nga si Tricia?" Ramdam ko ang pag igting ng boses ni Anthon sa kaibigan.

"Wala na kami ni Tricia medyo matagal na Anthon."

"Dahil wala na kayo ng ex girlfriend mo ang kapatid naman niya ang dinali mo." Hindi na nito maiwasan magburst out.

Hinawakan ko ang braso ni Cyrus na halatang nagpipigil lang sa kaibigan.

"At alam mo kung anong nararamdaman ko kay Anna diba."

"Cyrus.." ng magtatangka itong sugurin ang kaibigan.

"Anthon." Binalingan ko ito. Hindi ko makumpirma kong luha nga ba yung nakikita ko sa kanyang pisngi na agad naman nitong pinahid.

"I'm sorry."

"Tsk.." Hinawi nito ang kamay ng mga kaibigan.

"I'm pregnant Anthon." Mas lalong namilog ang mata nito gayun rin ang mga kasama nitong kaibigan.

Ako na ang bumawi ng tingin rito.

"Hindi namin kailangan magpaliwang Anthon sa kung ano at paano nangyari ang mga ito. But we are making things right now. Sana erespeto niyo nalang ang desisyun namin."

Hindi na namin hinintay pa angsasabihin ng kaibigan ni Cyrus at agad ako nitong hinila palabas ng department store.

Naiwan tuloy ang mga gamit na napili namin.

Hanggang sa pagdating namin sa parking lot ay pareho kaming walang imik.

Nilingon ko siya na seryusong nakatuon ang mga mata sa daan.

I know he was hurt and he still hurt.

Pero hindi ko naman hiniling sa kanya na aminin ang totoo sa mga kaibigan nito at wala akong pakialam kahit edeny niya ako.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? naguguilty ako lalo na kay Anthon.

Alam ko may feeling siya sakin, pero matagal na yun at hindi ko siya pinaasa.

Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng konsensya lalo pa't tila nasira ang pagkakaibigan ni Cyrus at Anthon.

Sana lang maintindihan ng mga ito ang aming sitwasyon at hindi lang sila ang gusto ng mga paliwanag namin.


THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now