Sandali pa'y umalis siya sakin dibdib . Pareho na kaming nakahiga at magkaabot ang aming mga ulo. Nakita ko ang ngisi sa kanyang mga labi at maya maya lang ay kinabig niya ako. Pinatong niya ang aking ulo sa kanyang braso at nanahan na parang don ito nababagay.

Amoy na amoy ko ang kanyang pawis. Pawis na mas lalong nagpapadagdag ng aking pagkalasing sa kanya.

"I'm sorry I can't answer you back."

Ewan ko, pero ang kaninang saya ay napapalitan ng kirot sakin puso.

"Bigyan mo sana ako ng panahon Anna para matutunan kitang mahalin. Nang wala nang sakit at wala nang pag-aalinlangan. Ayaw kong paasahin ka at ayaw ko rin na biguin ka."

"But I'm willing to learn to love you, just teach me how Anna." Napalingon ako sa kanya at nakaramdam ako ng pag-asa sa kanyang mga sinabi.

"Handa akong maghintay Cy. Kahit matagal, kahit kailan. Basta ipangako mo, hindi mo ako iiwan." Subalit sa kabila ng aking mga sinabi ay ang pag-aagam agam sa tunay na sitwasyon namin ngayon.

What if hindi dumating ang araw na yun? Mamahalin ko pa rin ba siya? O isusuko ko nalang ang damdamin ko para sa kanya?

"Pangako, nandito lang ako. Bibigyan natin ng masayang pamilya ang ating mga anak. Hindi ko kayo iiwan." Then naramdaman ko muli ang kanyang labi sakin.

Napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

Handa na ako.

Handa na akong buuin ang aking buhay kasama siya.

Handa na akong magsimula ng bagong kabanata ng aming mga buhay at kalimutan ang sakit at magpatuloy sa kasalukuyan.

//~//

Cyrus POV

Alam kong tama itong gagawin ko. Asawa ko na si Anna at nararapat  lang na nasa kanya ang aking atensyon. Responsibilidad ko na alagaan at mahalin ang aking asawa at pamilya sa abot nang aking makakaya.

Kung sana, may paraan para turuan ang puso na si Anna nalang ang mahalin ko ay gagawin ko.

Kung meron lang sanang tamang formula para kalimutan ang babaeng nananahan sakin puso ay inalam ko na.

Subalit alam ko na hindi sapat ang mga salitang sinabi ko para patunayan sa kanya na seryuso ako samin relasyon. Hindi pa namin kilalang lubusan ang isa't-isa at kailangan pa namin mag-adjust sa ibang mga bagay.

Hindi ako madamot para ipagkait sa kanya ang isang bagay na hindi naman mahirap ibigay. Pero ang puso ko nasasaktan pa mula sa isang digmaan pinili kong sukuan at takbuhan.

Bitbit ko pa rin ang bagahi na mahirap bitawan.

At hangga't nandito pa ang sakit, alam ko na hinding hindi ko mabubuksan ang aking damdamin.

Alam kong espesyal si Anna, pero hindi masasagot ng salitang yun ang kanyang nararamdaman.

Mahal ko pa rin si tricia at hangga't may damdamin ako sa kanya, hinding hindi ko matutupad ang pangako ko kay Anna.

Alam ko kalaunan rin ay mawawala rin ang sakit na ito. Sakin mag-ina ko muna ibibigay ang lahat ng aking atensyon at ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya para maisalba ang pamilyang sinimulan namin.

I want to be a good father like my own Father. Mahal na mahal niya kami ni Mama. Ang pagkakaiba nga lang ay may ibang laman ang aking puso.

Hindi ko maibibigay ang aking pagmamahal kung may taong ayaw pa itong pakawalan.

And I know si tricia yun.

But I'm hoping someday, everything will be alright.

Hihintayin ko ang panahon humupa ang sakit samin mga puso.

Bahagya kong nilingon si Anna sakin mga bisig. Gumuhit ang ngiti sakin labi ng Makita ko ang himbing nitong pagtulog.

Hinalikan ko ang kanyang noo.

I want her to be my reason to smile.

At mukhang mapapadalas ang aking pagngiti.

Hinaplos ko ang malambot niyang pisngi.

She is so damn beautiful.

Para akong nakajackpot sa kanya. Sandali akong napaisip kong sino nga ba ang unang halik ni Anna.

Bukod kay Anthon, wala na akong alam na nanligaw rito. Napakaswerte naman ng lalaki na yun kung meron man.

Pero mas maswerte ata ako.

Hinaplos ko ang bahagi ng kanyang tyan.

"Hi baby. Mahal ka ni Daddy." Napangiti akong muli sa di ko malamang dahilan. Nagmumukha akong sira ulo habang kinakausap ang baby namin ni Anna.

But I can't help it. Masaya ako dahil sa batang ito. Kahit wala pa siya ay ramdam na ramdam ko na akin siya.

I claimed his mine.

At Ibibigay ko ang lahat sa kanila ng kanyang Mommy.


THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon