67 - Finale

6.6K 257 64
                                    



Someone's POV

"You may now deliver your vows." Priest

Di pa man nag-uumpisang magsalita si Chard ay nagpupunas na ito ng luha.

"I don't believe in destiny, . ...... Noon. Kasi for me, i am the one who's in charge of myself. It's my decision, it's my choices but one day, it all changed. It's all because of you. Who would have thought na sa pamumundok ko, makakakita ako ng isang bagong mundo. Na sa pamumundok ko mararanasan kong mamuhay ng tahimik, payapa at simple and who would have thought na sa pamumundok ko makikilala kita at makakasal ako sayo diba? Noong una mahirap, oo, andami nating pinagdaanan eh. Kumbaga andami nating problema hinarap pero naiisip ko oo mahirap pero nahing madali yun kasi anjan ka! Hindi mo ko iniwan, di mo ko nilayuan, di mo ko pinagpalit at minahal mo ako di lang bilang asawa mo pero bilang kaibigan mo din. Mahal, pinapangako, mula ngayon hanggang sa mga darating pang mga taon, pinapangako kong hinding hindi kita iiwan. Walang daraang araw na hindi ko ipapadama sayo at sa mga anak natin ang pagmamahal ko. Ibinigay ko lahat ng pangangailangan nyo. Lagi mong tatandaan na wala man ako sa tabi mo, andito ako sa puso at isip mo. Gusto ko lang ulit sabihin sayo ang pangakong binitawan ko noon sa Balesin na 'Mula sa araw na kinasal tayo hanggang sa pagtanda natin pareho, hinding hindi ako aalis sa tabi mo, ibibigay ko lahat ng pangangailangan mo, papasayahin kita, sasamahan sa abot ng aking makakaya, at iibigin magpakailanman. Mahal, Napakaswerte ko kasi ikaw ang asawa ko at ina ng mga anak ko. Ikaw, Aking Reyna kasama ng ating Ginoo at Bai, Mahal na mahal ko kayo. Kayo ang buhay ko." Chard

Parehong nagpapahid ng luha sina Chard at Deia. Kahit ang mga tao sa paligid nila.

"Mahal, Chard, Daddy... Andami kong iba pang tawag sayo pero sa lahat ng yun, DAYO ang pinaka nakatatak na sa estorya ng pag-ibig nating dalawa. Doon kasi nag-umpisa lahat. Na ikaw bilang isang Dayong napunta sa tahimik naming Bayan para magbakasyon, magpahinga at maghanap ng kapayapaang hindi mo makamtan sa patag ay masilayan ng isang Binukot na kagaya ko. Buong akala ko noo'y hanggang pangarap at panaginip nalang ang makasama ka pero hindi pala. Ang Panginoon na ang gumawa ng paraan para magkasama tayo. Hindi man naging maayos ang pag-uumpisa ng kwento natin ay masaya ako kasi alam kong magtatapos naman ito ng masaya. Tulad ngayon, alam ko madaminpa tayong pagdadaanan pero tandaan mo, Dayo, pinapangako ko, na ako'y para sayo at ika'y para sakin lang. Pagsisilbihan kita hanggang sa abot ng aking makakakaya, at mamahalin hanggang sa ako'y humihinga. Di ko man mapapangakong magiging masaya lang ang buhay natin, madami tayong pagdadaanan, maraming pang mararanasan pero andito lang ako, palaging nasa tabi mo, sasamahan ka at handang sumuporta sayo, dahil ikaw at ako, tayong dalawa lang. Magkasama natin haharapin ang lahat kasama ang ating mga anak. Mahal na mahal kita, Dayo. Mahal na mahal ko kayo ng mga bata." Deia

Di na napigilan ni Chard na yakapin pa ang asawa. Ilang sandali din silang nag-iyakang dalawa. Kahit ang mga taong kanilang inanyayahan ay di narin mapigil pa ang pagdaloy ng nga luha.

Sa Amansina dinaos ang kasal. Sa open field sa harap ng Sagradong Balon ng Binukot na saksi sa umusbong na pag-ibig ng noong Binukot at Dayo. Kahiy sa Amansina dinaos ang kasal ay christian wedding parin ito pero lahat ng nakadalo ay nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ng Amansina. Kulay gintong patadyong at kasuotan para sa mga magulang ng ikakasal. Habang ang sa Principal Sponsors naman ay kulay Lila. Asul para sa secondary sponsors, Dilaw para sa bridesmaids at groomsmen. Dilaw para sa mga ring bearers at flower girls. Habang Pula naman para sa kanilang mga anak. Ang ibang bisita naman ay naka berde.

Ang kinakasal naman at parehong naka Puti. Bukang liwayway idinaos ang kasal at ang buong paligid ay punong puno ng bulaklak. Pawang mga miembro ng pamilya at mga malalapit na kaibigan lang ang nandoon. Kahit naluluha ang mga tao ay bakas naman ang saya sa mga mukha ng mga bisita.
Pero mas makikita ang saya sa mukha ng dalawang taong nasa harap ng Pari at may matamis na ngiti para sa isa't isa.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now