60

2.8K 166 28
                                    

"CHARD!!!!!!!!!!!!"

Ang bilis ng mga pangyayari, parang ilang minuto lang ang nakalipas ay ang saya saya namin sa pagsalubong ng kanyang kaarawan pero ngayon, di ko na alam ang gagawin ko.

Chard passed out without even blowing his birthday candles. Nagulantang kaming lahat. Muntik ko ng mabitawan ang anak ko, mabuti nalang at anjan si Yaya Vergie.

Mabilis namang binuhat nina Dad at Kuya Dan si Chard papuntang sasakyan.

Di ko alam ang gagawin ko. Chard is unconscious then my kids are crying. Di ko alam kung sino ang uunahin ko, kung saan ako babaling, nanginginig na buong katawan ko.

"Ate, kami na bahala sa kambal. Please be with Kuya. Kailangan ka nya, Ate. Please." Riza said habang pinapatahan si Uno.

Doon na ako nahimasmasan. Tumakbo na ako pababa ay mabilis na sumakay sa sasakyan. Nasa tabi ko ngayon ang walang malay kong asawa. Di ko na namalayang tumutulo narin ang nga luha ko.

"Mahal, ... Mahal, gumising ka. Chard please."

"Dei, Chard will be ok." Dad

"Chard naman eh. Wag mo naman akong pakabahon ng ganito mahal, please naman oh. Magising ka na,.... Mahal..." Im trying to wake him up.

"Chard, kailangan ka namin ng mga anak mo. Please wake up. . . Mahal naman. Wag ganito oh."

Mabilis kaming nakarating sa isang hospital sa Batangas.

"Anak, relax lang. Baka dahil lang sa pagod kaya nawalan ng malay si Chard." Dad

"Dad, hindi ko kaya kung wala ang asawa ko. Dad di ko kaya." Umiiyak at paulit ulit kong sabi.

Naramdaman ko nalang na niyakap na ako ni Dad. I never imagine this scene. Na ihahatid ko ang asawa ko sa ospital, sa emergency room? Ang sakit sa puso, kasi wala akong magawa kundi maiyak nalang habang hinihintay kung anong mangyayari.

"Kung ano man to, alam kong kakayanin ni Chard to Dei. Gagawin ni Chard lahat maging maayos lang sya kasi anjan ka, anjan ang nga bata. Kayo ang magiging lakas ng asawa mo kaya maging matatag ka din Deia." Kuya Dan

Sa ilang oras na paghihintay namin sa labas ng ER ay andaming tumatakbo sa isip ko. Kung anong gagawin ko kung may mangyari sa asawa ko? paano kami ng mga anak ko? Paano ako? Hindi ko kayang wala si Chard. Sa buong relasyon namin sya ang naging sandigan ko. Sya ang naging buhay ko. Pero bakit ganito? Bakit may ganitong nagyayari? Masaya na kami eh. Buo ang pamilya namin, walang kung sino sinong sumisira samin, pero bakit? Bakit nangyayari to samin?

"Anak, magiging matatag ka at magtiwala kay Chard, lalo na sa Mahal na Panginoon. Sya lang ang masasandalan natin ngayon. Sa kanya tayo hihingi ng lakas at tatag para malampasan natin to lahat. Maging matatag din tayo para sa asawa mo. Satin si Chard kukuha ng lakas lalo na sayo. Kakayanin nating pamilya kung ano man to." Dad

Kahit mahirap ay pilit kong inayos ang sarili ko. Tama si Daddy. Ngayon ako labis na kailangan ng asawa ko.

Di naman nagtagal ay lumabas na ang doctor.

"Doc, kamusta po ang asawa ko?"

"He'a ok for now. Stable na yung kalagayan nya. We've already run a series of test but to be more sure, we advise na i refer na kayo sa Manila." Doc

"Kung ano po ang mas makakabuti sa anak ko Doc." Dad

"Do you have any preferred hospital?" Doc

"St. Lukes. Andoon yung family doctors namin as well as yung pinsan nya." Dad

"Process nyo nalang po yung papers for transfer nya then he's good to go. Mas mabuti po kung mas mabilis nyo syang matransfer. Lahat ng tests na nagawa namin ay ifo forward nalang namin sa kanila." Doc

"Yung asawa ko po. Pwwde ko po ba syang makita?" Gustong gusto ko ng makita ang asawa ko.

"Nasa ER parin po sya Misis. Ide deretso nalang po natin sya sa Ambulance as soon as ok na yung transfer nya." Doc

"Can i see him? Kahit saglit lang po doc. Maawa po kayo. Gusto ko lang po makita ang asawa ko." Umiiyak kong sabi sa Doctor

"Were just giving you 10 minutes Maam." Doc

"Kahit 5 minuto lang po Doc. Gusto ko lang makita ang asawa ko."

Sinamahan naman ako ng Doctor papuntang ER. With my surgical gown, cap and gloves and mask ay pumasok kami sa loob ng kwarto.

And tumambad sakin ang walang malay kong asawa. Pale, with oxygen mask in his mouth, IV in his hand and some tubes. Iyak lang nagawa ko. Dahan dahan at may mabibigat na hakbang akong lumapit kay Chard, nanginginig ang buong katawan ko. Di matapos tapos ang pagtulo ng kuha ko. Ng makarating na ako sa gilid ng kama nya ay di ko alam kung saan ako hahawak. Ayoko pang dagdagan ang kung ano mang nararamdaman niya. Napahawak nalang ako sa gilid ng medical bed upang doon kumuha ng lakas.

"M-m-mahal, C-c-chard, mahal kung maririnig mo ko, andito lang ako para sayo. Mahal di kita iiwan. Ka-kaya wag mo rin k-kaming iwan ha? Mahal hi-hihintayin ka namin. A-ako, ang mga anak natin, si Bai tsaka si Uno, mahal kailangan nila ng Daddy, ako, kailangan ko ang asawa ko, k-kailangan ka namin kaya please, mahal lumaban ka para samin. Please Chard." Iyak na iyak lang ako sa buong kwarto. Kahit ang mga medical staff sa kwarto ay naririnig ko ring umiiyak.

"Maam, pasensya na po pero kailangan nyo na pong lumabas. Kailangan na po naming ihanda ang asawa nyo for the transfer." Napalingon ako ng magsalita ang Doctor.

Binalik ko naman agad ang tingin ko sa asawa ko.

"Kakayanin natin to, walang susuko satin. Mahal na mahal ka namin, mahal na mahal kita, Dayo."

I move closer to him and kissed him in his forehead. At lumabas na ako ng ER na lumuluha....

Kakayanin ko to. Para sa pamilya at mga anak ko.

Tapos ay nagbyahe na kami papuntang St. Lukes kung saan naghihintay na si Ate April at ang iba pang doctor na titingin sa asawa ko.






-Z💛

A million thanks to mendozafaulkerson16 for NWWH's new book cover! Thanks Dani!

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now