30

6.2K 225 46
                                    

"Anong ginagawa nyo dito?"

Tanong ni Chard sa lahat ng taong nasa harap namin ngayon. Tinago nya pa ako sa likod nya.

"Is it the proper way of greeting your family Richard? Di kita pinalakibg bastos." Sabi naman ng lalaking kahit may edad na eh matikas parin.

"Dad, naman sa ganoon pero bakit ngayon pa? Di ba pwedeng ipagpabukas yung pagpunta? Plus startled us, matatakot si Deia sa inyo eh." Paliwanag naman ni Chard sa Daddy nya daw

"Chard, siguro naman may karapatan kaming makilala man lang yung asawa mo diba?" Sabi naman ng lalaking mas matanda lang ng kunti kay Chard

"Kuya Dan naman eh. Syempre you have the right but hindi yung ganitong walang abiso." Naramdaman ko ng naiinis na sya kaya hinawakan ko na yung kamay nya at pinisil

"Ok lang. Pamilya mo sila, wag mo akong alalahanin, di pa naman ako pagod eh."

Tuningnan nya lang ako.

"Are you sure? Mahaba na yung araw mo kanina tapos eto pa aabutan natin. Dapat ngayon nagpapahinga ka na." May pag-aalalang sambit ni Chard

"Ok lang ako. Sabi ko nga di pa ko pagod at saka gusto ko din silang makilala."

Buntong hininga lang ang sagot nya sakin at pumasok na kami sa living room na puno ng pamilya nya. Masasabi mong nananalaytay talaga sa dugo nila ang pagiging magagandang babae at lalaki. Lahat kasi sila ang gaganda at gwapo. Walang hindi maganda sa pamilya nila.

Di ko alam pero sobrang kabado ako ngayon, sa akin kasi sila halos nakatingin lahat. Mabuti nalang at may kilala na ko sa kanila. Mabilis naman akong niyakap ni Ate Pia at Ate Ruby.

"My gosh. Totoo ba yung nakita namin kanina?" Bulong ni Ate Pia

"Ok na kayo? Wala ng ilangan?" Segundang bulong din ni Ate Ruby

Tango lang ang sinagot ko sa dalawa na nagpakawala naman ng impit na tili.

"Hindi mo ba ipapakilala samin ang asawa mo Rj?" Napalingon tuloy ako sa maganda at mag edad pang babae na nakaupo sa tabi nina Ate Ruby.

Hinawakan naman agad ni Rj ang kamay ko bago magsalita.

"Lola, Dad, Everyone, i want you to meet my wife Bai Deia Mendosa-Faulkerson, daughter of Datu Deo and Dama Mayana of Cordillera tribe and also Nico's youngest sister." Pagpapakilala sakin ni Chard.

Yumuko naman ako sa harap nila bila tanda ng paggalang. Lumapit din ako sa mga nakakatanda at nagmano bago bumalik sa harap nilang lahat.

"Ako po si Deia at kinagagalak ko po kayong makilala."

"So, she's the lucky girl. But, is this really serious Kuya? I'm not opposing or contradicting your decision and tradition but..." Sabi naman ng singkit na babae na maaring kapatid ni Chard

"Riza Faulkerson??? I love Deia and my decision is final, kung andito lang naman kayo para sirain kami ng asawa ko at paghiwalayin, pwes wala kayong puwang sa pamamahay ko. You can leave now."

Nabigla ako sa sinabi ni Chard, hindi ko alam kung ano yung magiging reaction ko. Kung magiging masaya ba dahil pinagtanggol nya ko sa pamilya nya o maiinis ako dahil sa pabalang at pasigaw nyang pagsagot sa mga ito.

"Chard, hindi mo kailangan sigawan yung kapatid mo. Nagtatanong lang sya. Ano ba?" Mahinahon ko namang kausap sa kanya

"Hinding hindi ako papayag na bastusin ka nila sa harap ko at hinding hindi ako papayag na maagranyadi ka dito sa pamamahay natin. Deia asawa kita at hindi ko mapapatawad ang mga taong makitid ang utak..." Galit paring sabi ni Chard.

New World With Him [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora