22

3.9K 206 59
                                    

I dedicate this chapter to mysticprincess888 ... May kasalanan kasi ako sa kanya kanina.....
#bawibawidinpagmaytime


-----

Di napakali si Chard sa sasakyan.

"Huminahon ka nga Chard. Pati ako nadadala sayo eh. Gusto mo bang di tayo makarating ng buhay sa Amansina?"

"Kuya wala na bang may ibibilis to? Ako nalang kaya magdrive." Sagot ni Chard.

"Sige ikaw magdrive, bababa ako. Mahal ko pa buhay ko Chard ah at saka binibilisan ko na nga eh. After 5-6 hours na Amansina na tayo. Anong plano mo?" Tanong naman ni John kay Chard.

"I already called my friends. May pinapunta syang tulong for the security of Amansina. Hindi ko papayagang matuloy ang kasal na yun."

"How about Deia?"

"Kung kailangan ko syang ilayo sa Amansina gagawin ko Kuya. Maari nyo naman syang puntahan samin diba? Ilalayo ko muna siguro sya sa Migel na yun."

"Your going to break a big tradition of Amansina Chard."

"Then break it is. Wala akong planong hayaan nalang si Deia na makasal sa lalaking yun. If breaking the tradition means Deia's freedom then i'll do it. You know how much i value the Amansina Culture but i value Deia more than that. My love for her is far more than their culture.Sorry Kuya."

"Then, i'll support you."

Nabigla si Chard sa nasabi ng kasama.

"Kuya John..."

"I'd rather see that tradition break than see Deia's heart break every time i'll see her. Tama na yung sakit na dinaramdam nya ngayon."

"Salamat Kuya."

Mabilis natinahak ng dalawa ang madilim na daan papuntang Amansina. The whole 6 hours of traveling is like forever to Chard. Pagdating na pagdating nila sa Amansina ay mabilis nilang tinahak ang balay ng Datu...

Bagamat maaga pa ay gising na ang lahat para maghanda sa kasal. Nasa balay ng Datu ang buong pamilya at ang Babaylan.

"Chard???" Bulalas ng lahat pagkakita sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko uuwi ka na sa Manila?" Gulat na tanong ni Sam sa kaibigan.

"Si Deia, nasaan si Deia?"

"Chard, hindi namin sya mapigilan sa desisyon nya." Umiiyak na wika ni Dayan

"Paano kayo nagkasama ni John?" Tanong naman ng Datu

"Di pa sya umaalis ng Baguio, Ama. Limang araw na syang nagmukmuk ng magkadaupang palad kami." Sagot naman ni John

"Paano nyo nalaman ang tungkol sa kasal?" Nagtatakang tanong naman ng Niko

"Nakita namin si Sita sa night market. Sya ang nagbigay alam samin."

"Mahal na Datu at Dama, kasalanan man pong ituring pero mahal ko ang anak nyo. Hindi po ako papayag na maikasal sya sa lapastangan Migel na yun."

"Nakapag desisyon na si Deia, Ginoo, sya parin ang masusunod."

"Nakapag desisyon narin po ako Mahal na Datu, hindi ko po sya hahayaang masunod." Matatag na sabi ng Puting Dayo.

"Anong plano mo Chard? Any time dadating na ang grupo nina Migel."

"Mahal na Datu, hayaan nyo pong maikasal kami ni Deia bago pa sya makasal kay Migel. Pinapangako ko---"

New World With Him [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα