46

5.6K 219 27
                                    

"Chard, chard, gising."

Pupungas pungas na nagising si Chard sa tawag ko. Mabilis naman syang bumangon ng makitang naka upo na ako.

"Hmmm, anong gusto nyo ni Baby?" Tanong ni Chard.

"Wala."

"Ha?" Takang tanong naman nya sa akin

"Di ako makatulog eh."

"Di ka naman makatulog ngayon? Eh kahapon lang inaantok ka lagi ah." Chard

"Ewan ko na Mahal. Di talaga ako makatulog eh."

"Kanina ka pa gising?" Chard

"Oo. Nagising ako mga isang oras na nakalipas tapos eto ako." Explain ko naman sa kanya.

"Dito ka higa, dali. Kawawa naman si Mommy." Hiniga nya ako sa tabi nya sabay adjust naman nya para makaharap sya sa tyan ko. Tinaas nya konti ang damit ko to see my belly.

"Baby, ang aga mo naman mag good morning kay Mommy at Daddy. Anak, aside from you, mommy also needs to rest and sleep to make you happy and healthy." Chard

Napangiti tuloy ako.

"Sige Mahal, kausapin mo baka sayo makinig. Ayaw makinig kay Mommy eh baka kay Daddy makinig."

"Anak wag ganoon, dapat makikinig ka din kay Mommy kasi we are doing this for your own good. You see mommy's doing everything for you. She rests well, eats every healthy food, she drinks milk and vitamins for you to be strong, she always wants you to be safe. Mommy loves you so much so you should listen to what she's saying." Chard

"And you should also listen to Daddy kasi lahat ginagawa nya di lang para sayo pero para din kay Mommy."

"And i promised to give everything to you. Kaya anak parang awa mo na patulugin mo na si Mommy kasi mamaya si Daddy na naman ang kawawa." Aba! Ano to?

"Anong ikaw? Para namang sinasabi mo sa anak natin na sinasaktan kita ah."

Umayos naman sya ng higa sa tabi ko at niyakap ako.

"Kawawa naman talaga ako eh kaso hindi sayo pero kay Ate April. Patay ako kay Ate April kapag nalaman nya na napupuyat ka. Diba di pwede sayong mapuyat?." Chard

"Mahal, speaking of Ate April, mabuti nalang napipigil nya pang di sabihin sa kina Daddy na buntis na ako no?"

"Kaya nga eh. Kaya nya yun tsaka wala naman syang magagawa eh kasali sa trabaho nya yun bilang doctor. Basta may term jan eh di ko lang maalala. Disclosure something ata." Chard

Yups, it's been weeks pero di parin namin nasasabi kina Dad o kahit sino man sa kanila yung about sa news. Pati nga kina Yaya Fe eh. Tatlo palang kaming nakaka alam kaya palagi akong sinasama ni Chard sa opisina nya, gusto nya rin kasing sya yung nagbibigya ng mga pangangailangan at gusto namin ni Baby. Mabuti nalang talaga at di na weird ang mga cravings ko. Karamihan prutas gaya ng mansanas, ubas, strawberry and kahit ano pa pero kanina naghanap na ako ng maasim na mangga pero di ko naman naubus. Tumikim lang.

Chard is a very supportive husband, kahit anong ipabili ko o gusto ko binibigay nya. Kahit nga minsan nasa gitna sya ng meeting basta sinumpong ako ng paglilihi sya parin yung bumibili. Mabuti nalang din at nasa ibang bansa si Sam at nasa Amansina naman si Kuya kaya walang makulit at matanong.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now