44

4.6K 213 28
                                    

"Mahal, baka gusto mong kumain ng kanin..."

"Ok lang ako Mahal. Tapusin mo nalang yang ginagawa mo." Nakangiting sabi ni Deia sakin.

It's been 5 days since she was sick and dahil hindi na nga sya nagkalagnat ni inantok kinabukasan ay di ko na talaga sya napilit na pumuntang ospital para magpa check up.

Nasa opisina kami ngayon dahil di kami natuloy noong nakaraang araw dahil sa mga meetings ko ay ngayon lang sya nakasama sakin. The 3rd and 4th day after her being sick ay normal naman ang lahat, no weird cravings, wala narin yung antok nya dahil maaga kaming natutulog at di narin sumasakit yung ulo nya so i dismissed the idea of her being pregnant.

Pero ngayon gusto ko ulit umasa. Bakit? Ang weird na naman nya eh!

"Mahal, kasi mag-a alas tres na di kapa kumakain ng kanin. Yung lunch natin ayan pa o, di pa nagagalaw." I was worried but di ko rin naman sya mapilit.

"Mahal ok na nga lang ako....." Deia

"Mahal kasi...... yung akin lang naman, mula kaninang umaga yang apple na sinasawsaw mo sa choco syrup lang yung kinakain mo eh. . . Kahit kunti lang mahal saluhan mo naman ako oh." Di ko na napigilang umarte sa harap nya para mapilit lang syang kumain

Binaba na nya yung mansanas na hawak at pumunta sa table kung nasaan ang pagkain namin.

"Kain na tayo Mahal." Malambing nyang sabi.

Lumapit nalang din ako at pinaghila sya ng upuan.

"Upo ka lang iinitin ko lang to sa microwave." Thank God eh parang may kusin atong office ko. Sam wanted me to have it kasi daw para kahit overtime kami pwede daw kaming magluto dito. Minsan lang din naman nagagamit. After kong ma reheat yung ulam namin ay bumalik na ako. Ako narin yung naglagay ng pagkain sa pinggan nya. Habang kumakain.

"Mahal, ano to?" Deia

"Padala ni Yaya Fe, Bulalo, diba humihingi ka ng sabaw kanina?"

"Bat parang, iba ata ang lasa." Deia

Tinikman ko naman ulit ang pagkain ko.

"Ha? Iba? Ok naman sya Mahal ah."

"Mahal, ang asim kaya. Oh tikman mo." Sinubuan naman nya ako ng pagkain nya.

"Hindi naman Magal. Pareho lang nitong kinakain ko." Totoo naman kasi. Wala namang pinagkaiba.

"Eh mahal kasi ibang lasa eh." Deia

"Oh sige sige, let's eat outside nalang. Tapos narin naman ako eh."

And so yun nga. Salabas na kami kumain. Pag uwi sa bahay ay nabigla nalang ako. Ibang iba yung amoy ng bahay namin.

"Mahal, nagpalit ata ng air freshener si Yaya Fe."

"Oo mahal. Sabi ko kasi kay Yaya, strawberry scent para mabango. Diba parang kendi lang? Bango bango mahal. Kasing bango mo lalo na gamit mong sabon yung sabon ko." Deia

Mula kasi ng nahilig sya sa strawberry scent eh pati ako strawberry scent narin ang amoy. Iisang sabon nalang yung gamit namin eh.

"Ganoon ba mahal?"

"Opo! At saka sabi ko kina Yaya parehong sabon narin yung gamitin nila. Yung pareho satin." Deia

"iba na talaga to eh." Bulong ko

"Ha? Ano Mahal?" Deia

"Wala... Wala mahal. Akyat ka na, sunod lang ako, iinom lang akong tubig." Dumiretso narin sya sa taas at ako naman eh dumiretsong kusina.

New World With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon