4

3.4K 185 10
                                    

"Mahal na Datu at Dama, mga Ginoo at Bai, akin pong hinahayag ang pagdating ng Mahal na Bai Deia!"

Yun ang unang narinig ko ng magising ako.

Kayo ba naman ilagay sa duyan di kayo aantukin?

Inayos ko muna ang aking sarili pero kahit di naman eh wala namang makakakita dahil nakapaluob ako sa aking talukbong.

"Mahal na Bai, kayo po ba'y gising na?"

Natawa ako sa tinuran ni Lupe.

"Talagang kilala mo na ako Lupe. Salamat ngunit ako'y gising na. Maari bang pakiayos nalang ng aking talukbong? Nakatabon kasi ito sa aking mga mata."

Pinatigil naman ni Lupe ang mga bumubuhat sakin para ayusin ang aking talukbong. Tanging ang aking mga mata lang ang nakikita.

Mula sa miliit na butas ay nakita kong tumayo na si Ama para salubungin ako. Muling pinahiran ng sutla ang hagdang aking lalakaran.

"Lupe, maaari kayang si Ama ang maghugas ng aking mga paa?"

"Hindi ko po masasagot yan aking Bai, ngunit kung gustuhin man ng ama nyo ay handa ko pong ibigay sa kanya ang tubig mula sa sagradong balon upang syang ang maghugas ng paa nyo."

Mapangiti ako ngunit alam kong imposibleng hugasan ni Ama ang aking paa dito sa labas.

Nang makalapit na kami ay lumapit sa akin ang nakakatanda kong kapatid na  si Dayan. Siya ang umalalay sakin upang hindi ako matumba sa pagbaba.

Dahan dahan akong umakyat sa hagdan habang hawak ni Dayan. Kay ama ako nakatingin ngayon. At hindi inaasahan ang sumunod na nangyari.

Umupo ako sa unang nilagay nila sa taas ng hagdan. Nasa paanan ko na si Lupe kaya't itinaas ko ng kaunti ang talokbong ko upang hindi mabasa habang hinuhugasan ang aking nga paa.

Handa na sanang buhusan ni Lupe ang aking paa ng magsalita si Ama.

"Aking Bai, hayaan mong ako ang maghugas ng iyong paa."

Nabigla ako.

"Isang karangalan aking Baba."

Napangiti lang si Ama ng mitlangin ko ang salitang ako lang ang tumatawag sa kanya.

"Ilang linggo ding hindi ko to nagawa sayo Bai, kaya't nanabik ang iyong Baba ng makita ang tubig na mula sa sagradong balon. Patawarin mo si Baba at di kita nadalaw ng ilang linggo sa iyong balay aking Binukot."

Mapangiti narin ako.

"Aking naiintindihan Baba. Naroon naman si Ina upang ako'y samahan."

Tiningnan ko si Ina at ngumiti lang ito sa akin at lumapit narin para ibigay kay Baba ang gintong panyo na pamunas sa aking paa.

"Marami kang utang na panahon sa iyong Binukot mahal. At alam kong marami din syang ikukwento sa iyo."

Pagkapahid ni Baba ng tubig sa aking mga paa ay tumayo na ako para yakapin sila.

"Sobrang galak ko po kanina ng marinig ko sa aking aya na inimbitahan nyo ako para sa agahan. Ngunit mas nasiyahan po ako ng malaman kong kompleto po tayo, Baba."

Tumayo ang aking mga kapatid at niyakap ako. Gusto ko man silang mayakap ng walang talukbong ay hindi pwede dahil nasa labas kami at bawal akong masinagan ng araw malibang lang sa aking matang nakadungaw sa maliit sa butas ng aking talukbong.

"Nangulila ako sayo Kuya. Masyado mo atang nagustuhan ang Patag at natagalan kang bumalik."

Maluha luha kong sabi.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now