48

5.9K 214 13
                                    



"Ya si Deia?" Kakagising ko lang at masyado pang maaga pero wala na ang asawa ko sa tabi ko.

"Maglalakad lakad daw. Eh ayaw ka namang gisingin kaya sya nalang." Yaya Fe

"Nakita nyo na kung saan napunta Ya?"

"Sus isa lang naman yung pinupuntahan ng asawa mong yun. Ayun sa park lang yun o di kaya sa butterfly garden." Yaya Fe

"Salamat Ya, sunduin ko lang para makapag prepare na kami, sasama daw sa office eh."

Napangiti naman di Yaya.

"May excited.... Sige na sunduin mo na." Yaya Fe

"Yes Ya, balik kami agad."

"Sige dalian nyo at ihahanda ko narin ang mesa para makapag agahan na kayo." Yaya Fe

Paglabas ko ng gate ay may nakita naman akong golf car kaya nagpahatid ako agad sa Park.

Habang nasa byahe ay napaisip ako. Apat na buwan na ang nakalipas mula ng inanunsyo namin ang pagiging mag-asawa namin pati natin ang pagdating ng isang anghel sa buhay namin.

Sa loob ng apat na buwan andami naming pinagdaanan sa pagbubuntis nya, di lang ako at sya kundi pati yung mga malaapit din samin. gaya ng:

FLASHBACK

Nasa opisina ako ngayon kasama sina Niko at si Sam na may kasamang babae. At di ko inasahang pupunta ang asawa ko sa opisina.

"Good........ Ow may bisita ka pala." Mabilis na pagbabago ng mood ni Deia kaya lumapit ako agad sa kanya at humalik.

"Yes Mahal, just Niko and Sam." Inalalayan ko na sya papunta sa mesa ko at doon sa upuan ko umupo.

"Eh sino naman sya? Susmaryosep, di na ba uso ang mahaba habang damit ngayon?" Bulong nya sakin. Napasquat tuloy ako sa harap nya at hinalikan ang baby bump nya.

"Mahal, di ka pa ba nasanay sa mga damit ng mga companions ni Sam?" Bulong ko naman

"Yun nga Mahal eh. Masyado naman atang sobrang revealing yan. Susme, wag na wag kang titingin doon Ricardo, sasamain ka sakin." Bulong nyang banta sakin.

Napatawa tuloy ako at hinalikan ko yung kamay nya.

"Bakit pa ako titingin sa iba kung meron naman akong Deia na mahal na mahal ko, diba?"

Napangiti ko narin sya sa wakas pero bigla nalang naningkit ang mga mata nya at sumeryoso.

"Anong amoy na yun?" Patuloy parin yung pagsinghot singhot nya.

"Anong amoy mahal?"

"Chard, ayusin mo yan, ayokong nakaka amoy ng kape!" Biglang napalakas ang sabi nya kaya napalingon naman sina Sam at Niko.

Akmang iinom pa sana ng kape ang kasama ni Sam ng biglang:

"Subukan mong buksan yang kape mo, lalabas kang bitbit ang ulo mo." Seryoso nyang sabi.

Dahil sa takot ay nanginginig na binaba ng babae ang kapeng hawak. Pati tuloy si Sam at Niko ilang beses na napalunok at binalik nalang sa lalagyan ang kape.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now