38

4.9K 224 16
                                    

"Good morning! Gising na po mahal kong reyna!" Bungad ni Chard sa asawa.

"Hmmmm, good morning." Bati naman ni Deia dito sabay halik sa pisnge.

"Ganda naman ng simula ng umaga ko." Kinikilig na sambit ni Chard

"Kanina ka pa gising?" Bumangon naman si Deia at yunakap sa asawa.

"30 minutes ago. Nagpa prepare na akong breakfast sa baba. We will have breakfast before heading to our yatch. Ligo ka na, then baba na tayo." Chard

"Ok. Hmmm, mauna ka nalang sa baba, susunod na ako. Bibilisan ko nalang." Deia

"Hintayin na kita." Chard

"Hindi, mauna ka na, hiramin mo si Mateo kina Ate, sabihin mo tayo mag-aalaga." Deia

"Sabay na tayo." Chard

"Mahal, antagal ko pa dito. Magkita nalang tayo sa baba. Tsaka para naman mauna ang isa sa atin. Kahapon tayo kaya huling dumating. Nakakahiya." Deia

Napabuntong hininga nalang si Chard at sinunod ang sabi ng asawa.

"Sige pero sumunod ka agad." Chard

"Susunod ako agad." Deia

Pagkaalis ni Chard ay naligo naman agad si Deia. Sa kwarto naman nina Anna.

"Oh, si Deia?" Anna

"Naliligo pa ho. Si Mateo?" Chard

"Saglit, Pa, si Matti, hihiramin ni Chard." Anna

Mabilis namang binigay ni John si Mateo kay Chard dahil naglahad agad ito ng kamay.

"Namiss mo si Tito? Ha? Bababa narin kayo Ate?" Chard

"Susunod kami, aayusin ko muna yung mga kalat namin dito sa kwarto." Anna

"Sige po. Ako na muna bahala sa Baby na to." Chard

Pagkababa ni Chard ay diretsong diner na sya kasama si Matti. Silang dalawa nga ang nauna doon kaya tambay tambay lang ang dalawa.

Habang sa kwarto naman ah nagbibihis  na si Deia. Tapos na syang nagsuot ng rush guard ng may kumatok sa kwarto na mabilis naman nyang binuksan.

"Hi ate!" Riza

"Good morning!" Dayan

"Oh, galing na kayo sa baba?" Deia

"Nope. Dito talaga kami dumiretso to give you this." Binigyan sya ni Riza ng isang paper bag.

"Regalo? Para saan to? Di ko naman kaarawan ah." Deia

"No Ate, isusuot mo yan ngayon." Riza

"Eto? May damit na ako oh. Tsaka di na man ako lalangoy, di nga ako marunong diba?" Deia

"Sige na Ate please..... Para terno tayo ni Ate Dayan at Ate Ate Anna." Riza

"Oo nga Deia, pagbigyan mo na yang si Riza. Bihis na dali." Dayan

Bitbit ang paper bag ay pumasok ulit si Deia sa CR at nagbihis.

"Nasaan ang damit dito eh mga panloob lang naman ang meron dito?" Deia

"Ate yan lang talaga yan."  Riza

"Eto lang?" Deia

"Oo kapatid ko. Ang tawag jan two piece bikini. Yan yung mga pang swimming o damit pangtambay kapag nasa beach!" Dayan

"Eto ang isusuot ko? Eh halos kita na ang kaluluwa ko dito! Aba baka nakakalimutan nyo binukot ako noon! Mata ko lang ang nakikita tapos ngayon pagsusuotin nyo ako ng halos maseselang parte ng katawan ko nalang ang natatakpan?" Deia

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now