37

5.3K 241 51
                                    

Dahil sa umaga palang ay gising na sila. Napasarap ang tulog ng mag-asawa at mag-aalas dies na ay mahimbing parin ang tulog ni Deia. Di rin naman maka alis si Chard dahil naka akap pa ito sa kanya.

Namangiti nyang pinagmamasdan ang mukha ng asawa. Napakapayapa ng tulog nito.

"Di ko alam kung anong ginawa kong mabuti sa mundong ito para ibigay ka ng Panginoon sakin. Napakapalad ko at naging asawa kita. Mahal na mahal kita."

Ay Chard adjusted himself to give his wife a kiss.

"At napakaswerte ko dahil ikaw din ang asawa ko. Pero sana tigilan mo na yung paghalik sakin ng tulog ako. Nakakailan ka na eh." Nakapikit ngunit nakangiting sabi naman ni Deia.

Napatawa nalang si Chard sa tinuran ng asawa.

"Kanina ka pa gising?" Chard said sabay nose to nose sa asawa.

"Tsakto lang na marinig ko yung mga sinasabi mo. Alam mo, mali ka." Deia

"Ako? Mali? Saan?" Nagtatakang tanong ni Chard

"Mali ka ng sinabi mong mapalad ka." Deia

"Tama ako doon. Mapalad kaya ako sayo." Chard

"Mali ka kasi ako ang mapalad sayo. Dahil dumating ka di lang sa buhay ko kundi sa buhay ng lahat ng taga Amansina. Mapalad kami minahal mo ang munting bayan namin. Mapalad ako kasi kahit ganito ako, walang kamuwang muwang sa buhay dito sa syodad tinanaggap mo ako. Mapalad ako dahil kahit anong sama ng pakikitungo ko sayo noon, di mo ko iniwan. At mapalad ako sa lahat dahil minahal mo ko. Mahal na mahal kita, Dayo." Sabay yakap ng mahigpit ni Deia sa asawa

Napapikit nalang si Chard at ninanamnam ang sayang nararandaman nya dahil sa mga sinabi ng asawa.

"Mahal, akala ko noong nagpa alam ako sayo di na darating ang araw na to. Di na darating ang araw na masasabi ko sayo na mahal na mahal kita. Pero eto na sya, eto na tayo. Di ko lang nasasabing mahal kita pero naririnig ko pang mahal mo din ako. Salamat sa pagkakataong binigay mo at tandaan mo ito, pinapangako ko sayo na kahit anong mangyari, kahit ilang Migel pa ang iharap nila sakin, hinding hindi kita susukuan at iiwan. Dahil ang Baing Binukot ay para lang sa Puting Dayo." Chard

"I love you." Deia

"I love you too." Chard said sabay halik sa asawa. They were sharing that kiss ng biglang tumunog ang cellphone ni Chard. Napatigil tuloy sila nakangiting dinikit ni Chard ang noo sa asawa.

"Andaming estorbo." Chard

"Sagotin mo na baka sina Dad yun." Deia

"Mamaya na." Chard

Hahalik pa sana ito ulit kay Deia pero natatawang umilag na ang asawa.

"Mahal, baka importante yun." Deia

Naibaon nalang ni Chard yung mukha sa leeg ng asawa. At tumutol ng parang bata.

"Ehhhh, di yan." Chard

Tinapik tapik naman ni Deia ang balikat ng asawa.

"Sige na sagutin mo na. Mamaya nalang ulit yung lambing mo." Deia

"Mamaya? Pangako yan?" Chard said na parang batang binigyan ng kendi

New World With Him [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ