14

3K 177 19
                                    

As promised... I dedicate this chapter to my new friends...

diana_02202009
anamarie0228
jaggtag
ttingco77
dlgalaxy
gracerebong
gleezme09
marisilsalvan
raehan06

Thanks po sa Tagalog term for Dimples... Hahaha hope po mabasa ko naman po yung comments ang criticisms nyo sa story kong to. Thanks and hope you'll enjoy this one!



"Kung ganoon, hahayaan mong ako ang tumikis kung handa ka na Bai."

Sumeryoso ang mukha ng Datu at marahas na kinuha ang kampilan ng isa sa kanyang mga bantay at hinagis sa Bai.

Nasilayan ng lahat ang pagkislap ng mata ng Bai matapos nyang masalo ang kampilang hinagis ng Ama.

"Mahabaging Bathala! Deo! Anong iyong nais gawin? Ikaw ba'y nawawala na sa iyong isip?" Halos panawan na ng ulirat ang Dama ng makita ang ginawa ng asawang Datu.

"Ama!" Sabay na usal naman ng Baing Anna at Dayan.

Napatayo narin sina Sam at Chard sa pagkabigla. Hindi nila inaasahan ang mangyayaring paghaharap ng mag-ama.

Nag-alala si Chard para sa Bai, hindi nya magawang humuma sa kanyang kinatatayuan.

"Ama, itigil na ito. Maaring mapahamak si Deia kapag hindi kayo makapagpigil."

Lalapit na sana sina De-an at Niko ng biglang nagsalita si Deia.

"Magsitabi kayo! Walang lalapit. Laban ko to." Matigas na sambit ng binukot.

"Ngunit Bai, . ."

"Patunayan mong ika'y handa na Binukot!"

Mabilis na sinugod ng Datu ang Binukot. Mabilis namang nasalag ng anak ang atake ng ama at umiwas. Sumunod na umatake ang anak na mabilis namang naiwasan ng ama. Ilang beses na nagkapalitan ng atake ang mag-ama. Rinig sa buong balay ang tunog na mula sa nagsasalpukang kampilan.

Nakamamatay ang tingin nila sa isa't isa habang naghihintay kung sino ang susunod na aatake. Hanggang sa sumogod ulit ang Datu.

Humanga ang lahat ng nakakita sa galing ng Datu sa pakikipaglaban ngunit mas humanga sila sa kakayahan ng kanilang Bai. Ang alam nila'y mahinhin kumilos at malambing ang Binukot ngunit ngayo'y nasaksihan nila ang galing nito sa paggamit ng kampilan at husay sa pakikipaglaban. Kahit ang mahaba nitong talokbong ay naging hadlang para pantayan ang galing ng Ama.

Mabigat ang lahat ng kumpas ng Datu na nagpasakit sa kamay ng Binukot habang ito'y kanyang sinasalag ngunit kanya itong binabalik sa ama ng ilang beses pang mas malakas. Nakakita ng pagkakataon ang Bai ng malingat ng saglit ang ama at kanya itong nasugatan sa braso.

Napaatras ng saglit ang Datu ngunit umatakeng muli na nasalag ulit ng Bai. At sa isang malakas na kumpas ng kanyang kampilan na nagpatalsik sa sandata ng Ama at mabilis na paggalaw ay natunghayan ng lahat ang Datu na tinututukan na ng kampilan ng kanyang anak.

"Handa ka na nga aking Bai." Nakangiting turan ng Datu.

Mabilis na kinuha ni Niko ang kampilan ng kapatid na nakatutok pa hanggang ngayon sa leeg ng kanilang Ama. Mabilis namang dinaluhan nina Dama, Anna at Dayan ang Bai.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now