27

5K 219 33
                                    

Bagong araw na naman at dahil maaga akong nagising eh nagluto na ako ng breakfast namin.

"Oh, aga mo ata nagising Nak." Yaya Fe

"Ewan ko po. Maaga akong magising  eh. Nakapagluto na po pala akong agahan."

"Oh sya, tawagin ko nalang yung asawa mo ng sabay na kayo makakain." Yaya Fe

"Ya, ano po yung iniinom ni Chard sa umaga? Kape o gatas?"

"Kape anak. Adik sa kape yun eh." Yaya Fe

"Salamat po Ya."

Pag-alis ni Yaya Fe ay nagtimpla na akong kape. Nakahanda narin naman kasi yung breakfast sa lamesa. Hanggang sa narinig ko nalang yung boses ny mula dito sa kusina.

"Wow! Sarap ng breakfast Ya! Dami niyo ah. Sabay na po kayo ni Kuya Dante sakin." Chard

"Sige at tatawagin ko lang." Yaya Felly

Gumawa narin ako ng kape para sa lahat. Eksaktong paglabas ko sa kusina eh nakaupo na sila sa dining.

"Mas sumarap ata luto mo Ya. Si Deia po pala gising na? Ako nalang po maghahatid ng breakfast nya kung di pa." Rj

Nakangiting nakatingin lang sakin sina Yaya Felly at Kuya Dante. Sila kasi ang nakaharap sa kusina habang nakatagilid naman si Chard sakin at kumakain na. Dahan dahan kong nilapag ang tray sa lamesa at nilagay sa tabi ng pinggan nya yung cup ng kape. Dahan dahan naman syang napatingala sakin habang kagat kagat pa yung kutsara nya.

"Ayan ka na naman sa mga titig mo. Tutusukin ko ng kutsara yang mata mo."

Then binigay ko na kina Yaya Fe at Kuya Dante yung kape nila tapos nagtanggal na ko ng apron at naupo na para kumain.

"Ikaw nagluto?" Chard

"Oo, maaga kasi akong nagising."

"Sana si Yaya nalang. Di mo naman kailangang gawin yun." Chard

"Ayaw mo ba luto ko?"

Natigilan naman sya at mabilis na umiling.

"Di ah. Gusto ko nga eh. Sarap kaya. Tsaka yung kape, iba ang lasa, sarap mo pala magtimpla." Chard

"Sabihin mo lang kung gusto mo, ipagtitimpla kita. Kumain  ka na."

Aabutin ko na sana yung kanin ng bigla syang tumayo at sya narin yung naglagay ng pagkain sa pinggan ko.

"S-salamat."

Tahimik na kaming kumain.

"May pupuntahan ka ba Chard?" Yaya Fe

"Wala po. Ipapasyal ko nga po sana si Deia dito sa Village kung gusto nya." Chard

Napatingin naman ako sa kanya ng matinig ko ang sinabi nya.

"Gusto mo mamasyal? May malapit na park dito sa Village. May garden doon." Chard

Tumango lang ako. Sobra akong nagalak na lumabas.

"Mukhang may masayang masaya ngayon ah. Di mawala ang ngiti eh." Yaya

"Tama yan, mamasyal kayong dalawa ng nakakalabas din tong si Deia. Naku matutuwa ka doon sa park anak." Kuya Dante

"Opo. Salamat po."

Pagkatapos ng agahan ay di na ko pinabihis ni Chard. Pwede narin naman daw yung damit ko. Bistidang bulaklakin. Garden naman daw puntahan namin eh.

New World With Him [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ