28

5.6K 245 46
                                    

"Ya si Deia?"

"Wala ba sa kwarto nya nak? Mukhang di pa naman bumababa?" Yaya

"Ganoon po ba. Kinakatok ko kasi walang sumasagot eh."

"Baka naliligo. Bababa narin yun." Yaya

Di parin ako nakatiis at inakyat ko na ulit. It's been days since pumunta kami sa park. Mula ng araw n ayun ararw na akong may supply ng kape from her. Di narin kami nakapag-usap ng maayos dahil sa naging busy ako sa opisina. Wala pa kasi sina Sam at Nico kaya ako na muna ang punong abala.

Pagdating ko sa kwarto nya ay kakatok na sana ako ng bumukas naman ang pinto. Pareho tuloy kaming nabigla.

"Good morning!"

"Bat ang saya mo? Good morning din." Deia

"Wala lang. Gusto ko lang umpisahan ang araw ng masaya."

"Ganoon ba? Ay di pa ko nakaka timpla ng kape ko. Lika na sa baba." Deia

Sabay na kaming bumaba. Naka tshirt at shorts lang sya pero bat ang ganda ganda nya?

"Kapag ikaw nalaglag sa hagdan dahil sa katutunganga mo di kita tutulungan, pagtatawanan pa kita." Deia

"Ang sama mo."

"Wag kang bumusangot jan, mukha kang aso. Lika na nga." Deia

"Ang pogi ko namang aso."

"Ang hangin mo din eh noh? Taas ng tingin sa sarili ah. Baba baba din minsan please." Deia

"Alam mo, wag ka na sama ng sama kina Ate, pati kalukuhan nalalaman mo eh."

"Sumbong kita kina Ate Rubz, sigurado patay ka doon." Deia

"Oyyyy, wala namang ganyanan."

"Eh ikaw kaya nag-umpisa." Deia

"Kumain na nga lang tayo."

Dumiretso na kaming Dining area. Nakahain narin naman ang pagkain so nagtimpla lang sya ng kape tapos umupo narin.

"Gusto mo sumama?"

"Saan?" Deia

"Sa office ko, sa opisina namin nina Kuya mo."

"Hmmm, pwede bukas nalang? Nangako kasi ako kay Yaya Fe na sasamahan ko sya mag grocery eh." Deia

"Hmmm, sige, walang problema. Bukas nalang."

After breakfast ay umakyat na ko para magbihis papuntang opisina at para kumuha ng mga gamit ko. Pagbaba ko eh naghihintay sya sa living room at may dalang maliit na thermos.

"Oh, pambawi sa di ko pagsama. Bukas promise sasama na ko sayo." Deia

"Ano to? Di mo naman kailangang bumawi."

Kinuha nya agad yung thermos sa kamay ko.

"Ayaw mo? Oh di wag na kape pa naman to." Deia

Kinuha ko ulit sa kanya. Kape na nya yun eh. Aayaw pa ba ako?

"Sinabi ko bang ayaw ko? Sarap kaya nito."

Napatawa naman sya. At napangiti naman kami nina Yaya at Kuya Dante.

"Aalis narin kayo?"

"Oo para di daw masyadong traffic sabi ni Yaya." Deia

Hinatid ko na sya sa sasakyang gamit nila tapos eh nagbeso na sa kanya. Wag kayo minsan ngalang ako makapuntos ng gising sya eh.

"Ingat kayo ok?"

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now