12

2.9K 176 9
                                    

Dalawang araw na since i got sick but i'm totally healed now. Thanks to their traditional-herbal medicine. Aside from i'm healed ay napakagaan ng pakiramdam ko.

Currently, Sam and I are preparing. Mag-tatanghalian daw kami sa balay ng Datu.

"Hoy Chard, tapos ka na? Andito na yung sundo natin."

Si Sam yun, nauna na kasi yang lumabas.

"Eto na lalabas na, sobrang excited ka naman eh."

"Syempre after 2 days makakagala na tayo ulit."

Makati talaga paa ng isang to.

"So you are implying that i ruined your vacation coz i got sick?"

Napatingin naman sya sakin.

"Hoy di ah. Ikaw kung anu-ano pinag- iisip mo. Alam mo bro, gutom lang yan. Don't worry pagdating natin sa bahay ng Datu, makakakain ka na ok?"

Siniko ko naman si Sam. May mga lalaki kasing nakatayo sa harap ng balay ng Datu at hindi ko sila kilala.

"Aray ano ba? Masakit yun ah."

"Sino sila?"

"Aba'y ewan ko. Sabay lang tayo lumabas ah."

Pagdaan namin sa harap nila ay di manlang sila natinag. Hindi rin sila yumuko sa amin.

Binalingan ko ang isang kawal at tinanong.

"Sino sila?"

"Sila po ay galing sa bayan ng Kayanayan. Mga kasama pong dumating ng Ginoong Migel."

May bisita pala ang Datu. Kaya siguro naghanda at pinatawag kami.

"Sino naman si Ginoong Migel?"

"Anak po sya ng Datu sa Kayanayan. Maari pong dumating dito ang Ginoo upang may iabot sa Datu Deo o maaring sa ibang kadahilanan."

Here i am again. Super curious na naman.

"Anong ibang dahilan?"

"Maaari pong gusto ng Ginoong makaisang dibdib ang aming Bai."

Ok. Another new tradition na mawi witness namin ni Sam.

"Ah, manliligaw pala ni Dayan."

"Kayo po'y nagkamali Ginoo. Si Bai Deia po talaga ang sadya nila."

Napatigil ako sa paglalakad. Di ko alam ang dahilan pero biglang nanikip ang dibdib ko upon hearing the reason why that Migel is here.

What am i feeling? I am hurt. Hindi pwede ito. Hindi pwede si Deia.

"Chard, are you ok? May masakit na naman ba sayo?"

A worried Sam got my attention.

"Ah... Ok lang ako Sam. Bakit?"

"Bigla ka kasing natigil at namutla jan eh. Are you sure your ok?"

"Yup, gutom lang to siguro. Lika na."

Hindi kami sa labas ngayon kakain. This is the first time for us to enter the place. And kung sa balay na tinutuluyan namin ni Sam ay green ang dominant color, dito di mo maikakaila na bahay ng Datu dahil kahit saan kay lumingon ay kulay ginto ang makikita mo.

This house is made of Coconut wood and Bamboo but its inside is full of their tribe's culture, tradition and overflowing wealth. From gold antique displays to gold accessories.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now