43

4.5K 216 42
                                    

"Susmaryosep.... Chard, baka BUNTIS ang ASAWA mo!" Excited na sabi ni Yaya Fe sakin.

Napatigil naman ako at napatingin lang sa kanya.

"Bu-buntis? Si Deia? Yung asawa ko Ya? P-paano po?" Di makapaniwala ko pating sabi.

"Aba, kayo gumawa sakin mo itatanong kung paano? Ano ka tulog ng mga panahong yun?" Seryosong sabi naman ni Yaya Fe sakin.

"Ya, hindi yun. What i mean is paano nyo nasabing buntis sya! Ya naman  eh."

"Kompletuhin mo kasi. . . Pero syempre tingnan mo ah, nagke crave kung kung anong napaka weird na pagkain. Tapos inaantok. Aba, mga sintomas ng pagbubuntis yun anak." Yaya Fe

Hay Ya, eh syempre nga po may sakit ang asawa ko. Tsaka diba nga kaya sya inantok dahil sa maaga syang nagising?"

"Oh edi para makasigurado ka ipa check mo asawa mo." Yaya Fe

"Sige po, bukas na bukas din. Pero wag nalang po muna tayo mag expect baka false alarm lang eh. Tayo rin ma disappoint sa pag assume natin, tsaka unahin na muna natin yung request nya at baka gutom na po yun".

Diretso kaming kusina ni Yaya. Habang iniinit ni Yaya ang Tinola ay naghahati naman akong strawberry. Pagkakulo ay nagsalin agad ako sa mangkot at ginawa ko nalang toppings yung strawberry at bumalik na sa kwarto para pakainin sya.

"Yehey! Tinolang may Strawberry! Love you Mahal!" Masayang masayang sabi nya habang pinapapak ang pagkain.

"Love you too Mahal." Tanging sabi ko nalang habag pinapanood syang kumain.

"Mahal gusto mo?" Alok nya sakin

"Sus, ok lang ako Mahal. Para sayo talaga yan. Sige enjoy mo lang. Diba kanina ka pa nake crave nyan?" Pasensya na pero di ko talaga kaya pero sana wag nya kong pilitin kasi wala rin naman akong magagawa. What Bai wants, Bai gets.

"Oo nga mahal eh. Ewan ko ba basta may sakit ako palagi akong may hinahanap na pagkain." Deia

So yun na, normal na talaga sa kanya  yung naghahanap ng weird na pagkain kapag may sakit sya. Baka nga false alarm lang talaga. Si Yaya kasi eh pero syempre gusto ko rin namang makasiguradong wala talaga syang sakit.

"Mahal, bukas punta tayong doctor ha. Pa check ka nalang para sigurado tayo."

Napatigil naman sya sa pagkain at seryosong tumingin sakin. Nakataas din ang isang kilay nito. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Ospital? Chard i'm ok. This is just a simple flu and i don't need to be hospitalized." Ok, seryoso nga sya, umi english na eh.

"Mahal di ko naman sinasabing e-a admit ka sa ospital. Check up lang to make sure that your all well." Mahinahon ko namang explain sa kanya.

Seryoso nyang binaba ang mangkok na hawak at tumingin sakin.

"Dayo, seryoso ako, katawan ko to, alam ko kung malala o simpleng sakit lang meron ako. And i'll tell you, i'm all well and i dont need that check up. Im fine and that's it! Do you understand?" Deia

May halong galit na yung seryoso nyang mukha kanina. Ilang beses tuloy akong napalunok ng laway ko dahil kinabahan narin ako. Aba alam nyo naman kung gaano makipaglaban tong asawa ko, ayokong mabugbug.

New World With Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now